LYS 7

590 6 0
                                    

Loving You Secretly


"Kanina kapa?" Tanong ko ng humiwalay ako sa pagkaka yakap.

"Yes, Christine." Ngiting ngiting sagot niya.

"Sorry pero kailangan ko na kasing umalis agad, pumunta lang talaga ako rito para sabihin na hindi na ako makikipag date sa'yo...pasensya na, Bren,"pilit ang ngiting sabi ko sakanya. "May mas importante pa kasi." at walang ano ano'y tumalikod.

Babalikan kita, Louie.

Nag madali ako pabalik sa bahay ngunit ng pag dating ko ay wala kana, wala ng tao sa bahay at ang mga inihanda kong pagkain ay nandoroon pa. Naiiyak ako dahil hindi mo manlang ako nagawang hintayin. Wala akong sinabing hintayin moko pero sana naman hinintay moko.

Bakit kaba kasi ganyan Christine?! Ano mo ba siya?! Ano kaba niya?! Bestfriend lang naman diba?!

Kaya naman naluluha akong tumakbo hindi alam kung saan pupunta. Tumigil lang ang paa ko sa Mini stop kung saan tayo unang nag usap. Nakita kita hindi ko alam pero kusang naglakad ang paa ko papunta sa pwesto mo. Sakto namang nag tama ang tingin natin, pumikit pikit kapa na parang hindi ka makapaniwalang nakita ako roon.

Dahan dahan akong lumapit sayo, nang makalapit ako sayo ay bigla mo akong hinila at niyakap. Nagugulohan ako sa inaakto mo sa iisang araw dalawang beses mo akong niyakap. Hindi ko magawang mailang ng unti unti mong ibaon ang mukha mo sa leeg ko, wala akong pakielam sa mga nakakakita.

Gusto kitang tanungin kung anong problema mo.

"Bakit ka andito? Bakit hindi mo ako hinintay?" Malamig na tanong ko sayo.

"Shhh...just let me hug you." You whispered softly.

"Louie..." Parang napapaos na tawag ko sayo ngunit nananatili ka lang na nakayakap sa'kin na para bang ayaw mo na akong pakawalan.

Maya maya lang ay bigla ka nang humiwalay sa'kin hindi ko alam pero bakit parang bitin ako.

"Umuwi na tayo." Seryosong sabi mo sa'kin, pinakatitigan kita at bigla kang ngumiti.

"Okay ka lang?" Tanong ko sayo.

Tinanong kita dahil ang mga ngiti mo ay hindi abot sa mga mata mo. Ngumingiti ka para mag mukha kang masaya. Sabihin mo lang ang problema tutulongan kitang malagpasan 'yan. Sabihin mo lang na kailangan moko, sabihin mo lang.

"I'm okay." Tipid mong sagot sa'kin. Matagal bago ako umimik hinihintay kong sabihin mo na kailangan moko, pero ilang minuto na pero wala padin nananatili ka lang na nakatitig sa'kin na animo'y kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko.

"Ooyy!" Natatawang sabi ko sayo.

"Hindi ko 'yata pwedeng makalimutan yan." Bigla mong usal na ikinakunot ng noo ko.

"Ang alin?" Takang tanong ko sayo ngunit tinitigan mo lang ako at bumuntong hininga ka kaya mas lalo akong nag taka. "Bes!" Tawag ko sayo. Umiling ka lang at walang ano ano'y hinawakan moko sa kamay at hinila paalis roon.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kamay nating mag kahawak. Itong araw na'to, ito ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. Tahimik lang tayo hanggang sa makarating sa bahay ko.

Kumain agad tayo pagka dating natin dahil ang sabi mo ay ginutom ka ng matapod ay tumambay lang tayo sa sofa ko at nanunuod lang ng palabas. Tuwang tuwa pa ako ng sabihin mong ang sarap ko talagang mag luto.

Ganito ba talaga yung pakiramdam?

Yung tipong puriin ka lang ng taong gusto mo halos mapunit ang labi mo dahil sa kakangiti ng wagas. Nang makita ang oras ay inaya na kitang umuwi sainyo.

"Sana araw araw ganito." Seryosong sabi mo, ngunit hindi ko gaano narinig ng buo, ang narinig ko lang ay ang araw ganito. Ayaw na kitang tanungin pa kaya naman ngumiti lang ako sayo.

"Mag iingat ka, bes." Nakangiting sabi ko sayo, ngumiti ka naman ng pagka laki laki at tumango.

"Ikaw din, ayaw mo kasi akong palipatin dito eh." You pouted, I want to laugh because you're so cute in that pout.

"'Yan ka nanaman, sige na umuwi kana. Baka hinahanap kana ng parents mo." Nakangiting sabi ko sayo. Parang ayaw mo pang umuwi nun kaya naman pinilit talaga kitang umuwi dahil baka magalit ang mga parents mo sa'yo.

"Sandali." Ngiting ngiti na sabi mo sa'kin. May kinakapa ka sa bulsa mo at bigla mong inilabas ang cellphone mo sabay tutok nito sa'kin, huli na ng mapag tanto kong kukuhanan mo ako.

Tawang tawa ka habang tumatakbo palabas, hinayaan nalang kita at natatawa din akon isinarado ang pintoan.

Loving You Secretly (Completed)Where stories live. Discover now