Loving You Secretly
Linggo ang lumipas at walang Louie nanaman ang nag paramdam sa'kin.
"Babe, are you okay?" Halata ang pag aalala sa mukha ni Joss. Pilit naman akong ngumiti sakanya.
"Okay naman ako, may iniisip lang." Nakangiting sabi ko sakanya at ibinalik ang mata sa libro.
"Kapag nahihirapan ka dyan sabihin mo ah para matulongan kita." Ngiting ngiting sabi sa'kin ni Joss.
"Hindi na noh, naiintindihan ko naman eh." Ngumiti ako ng peke.
Nakokonsensya ako dahil ang laging laman ng isip ko ay Louie kahit na kasama ko siya si Louie padin.
Lumipas ang tatlong buwan, sembreak na at wala pa ding nagpapa kitang Louie, lagi siyang absent sa school, minsan ako na ang tumutulong at nag sisinungaling sinasabing may sakit siya kaya nae-excuse ko siya.
"Babe?"
Ano ba kasing nangyari sakanya? Lagi ko siyang minemessage pero wala manlang akong natatanggap na reply.
"Babe?!"
Ligtas ba siya? May nangyari bang masama sakanya? Sana wala dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
I miss him.
"Babeeee?!"
Agad na naagaw ang atensyon niya ni Joss.
"Oh Joss! K-Kanina kapa b-ba?" Nauutal pang sabi ko at napalunok pa.
"Yes, I'm calling you three times and tulala ka lang dyan." Napailing pa si Joss.
"Ahmm ano, sorry talaga! May iniisip kasi ako e." Napapahiyang sabi niya.
"We're dating, babe. Pero parang ako lang mag isa ang nandito dahil ang layo ng tingin mo at ang layo ng isip mo."
"Sorry talaga, ano ba 'yon?" Ngumiti ako. Napabuntong hininga naman siya sabay inakbayan ako.
"Tatanungin sana kita kung saan mo gustong kumain." Tanong niya na hindi padin ngumingiti.
"Doon na lang." Turo ko sa Mini stop kung saan kami madalas ni Louie.
"A'right." At ngumiti. I smiled back.
Nang maka upo kami sa pwesto kung saan lagi kaming nakaupo ni Louie.
"Ano bang iniisip mo?...o dapat bang sino ang iniisip mo?" Makahulogang sabi niya. Sunod sunod naman akong napalunok.
"Anong sino? Haha! Kumain kana nga lang dyan huwag mo na akong isipin." Tumawa ako ng peke.
"Iisipin at iisipin kita dahil boyfriend mo ako unless gusto mo iba ang iisip sayo."
Hindi ko maintindihan ang inaakto ni Joss, masyado naba akong careless para hindi ko mahalatang nahahalata niya na, na may iba akong gusto at hindi siya 'yon dahil....
Bestfriend ko 'yon...
"Just eat, Joss. Let's just enjoy this." I smiled again, isang pekeng ngiti.
"I hope, I'll enjoy this date." Makahulogan niya nanamang sabi. Hindi ko nalang siya inintindi pa.
Natapos kami ay nanatili akong tahimik ng makalabas kami ay bigla siyang nag salita.
"Ihatid na kita." Nakangiting alok sa'kin ni Joss.
"Hindi na malapit lang naman na dito ang bahay ko eh."
"No, I insist." Nakangiting sabi niya. "Pag bigyan mo na ako dahil baka sa sumunod na araw, linggo o buwan ay baka hindi na ako ang gumagawa sa'yo nito at ang gumagawa na sa'yo ng pag hatid o sundo ay ang lalaking gusto mo."
Sapul na sapul ako doon. Hindi ko masabing sinadya niya 'yon dahil baka humuhugot lang siya.
"Ano ba 'yang mga sinasabi mo? Ano bang nangyari sa'yo? Humuhugot kaba?" I laughed. A fake one.
"I'm just telling the truth, babe. Don't get me wrong."
I get you wrong. Dahil kung ano ano ang mga sinasabi mo hindi kita maintindihan.
"I don't understand you." Nakangiti ngunit nakakunot ang noo.
"I don't understand you too, bakit siya pa kung pwedeng ako nalang para hindi ka nawawala sa sarili mo dahil hinding hindi ko gagawin sa'yo ang mga ginagawa niya ngayon sa'yo." Seryosong usal niya. Napalunok ako, wala akong masabi, naba-blanko ang utak ko dahil sa mga sinasabi niya.
Alam niya na 'atang gusto ko si Louie.
I'm sorry, Joss. I can't stop my feelings for him...
"Handa ang utak ko, huwag kang mag alala pero hindi ko alam kung handa ba ang puso ko kapag totoo nga ang hinala ko na gusto mo siya o mahal mo na siya..."
Puro siya lang ang sinasabi niya hindi niya nilalagyan ng pangalan pero alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya sa siya na yun.
YOU ARE READING
Loving You Secretly (Completed)
Teen FictionMinahal kita kahit alam kong hindi dapat. Minahal kita ng sobra sobra. Minahal kita ng hindi ko namamalayan.