Loving You Secretly
Gabi ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Linggo nanaman ang nakalipas at wala pading nag paparamdam na Louie sa'kin. Wala nang nag paparamdam na...
Bestfriend ko...
Binuksan ko ang isang mensahe na sinend sa'kin at do'n ko nakita si Louie. Picture niya na nagsi-sigarilyo at umiino at may mga babaeng nakapaligid sakanya, iba iba ang suot na damit sa mga picture na sinend sa'kin kaya imposibleng sa isang araw lang nangyari 'yon. Hindi na ito yung Louie na kilala ko, ibang iba ito sa Louie'ng nakilala ko.
Kailan pa siya natutong manigarilyo?
Kailan pa siya natutong uminom?
Kailan pa siya natutong mag bar at ganun karami pang babae ang naka paligid sakanya at halos wala ng saplot ang mga ito.
May napansin ako at may message na nakalagay do'n.
Mag kita tayo sa park malapit sa Mini stop dito lang din sa Paraiso...
Nag da-dalawang ako kung pupunta ba ako ro'n dahil hindi ko kilala ang nag send nito sa'kin at hindi manlang nag pakilala sa'kin. Ngunit mas pinili kong pumunta dahil baka sakaling makita ko ro'n si Louie. Walang pang ilang minuto ay nakarating na ako sa park malapit sa Mini stop kapag nilingon mo ang Mini stop ay makikita mo padin ito ng malinaw na malinaw dahil hindi naman gaano kalayuan. Isang pamilyar na boses ang nakaagaw sa atensyon ko.
"Buti naman pumunta ka." Sabi ni Abby na mugto ang mata na halatang kakagaling lang sa pag iyak.
"Bakit mo ako pinapunta dito?"
"Para malaman mo lahat! Lahat!!!" Malakas niyang sigaw sa'kin kasabay ng pag iyak niya.
"What do you mean?" Kunot noong tanong ko sakanya. Tumigil siya sa pag iyak at masamang tumingin sa'kin.
"Kasalanan mo kung bakit siya ganyan! Kasalanan mo lahat! Kasalanan mo kung bakit siya umiinom at araw araw nagpapa kalasing! Kasalanan mo kung bakit siya laging nasa bar at hinahayaan ang saili niya na dikit dikitan ng ibang babae! Kasalanan mo!"
"Ano bang sinasabi ko?! Nagugulohan ako! Anong kasalanan ko?! Anong ginawa ko?! Hinahayaan ko naman kayo ah!" Inis kong sabi sakanya.
"Ayun na nga eh! Hinahayaan mo kami pero imbes na maging masaya kami hindi! Hindi kami maging masaya dahil lagi nalang ikaw! Ikaw nalang sa tuwing kasama niya ako! ikaw! Puro ikaw ang inaalala niya!" At umiyak ulit.
"Ano ba kasing problema nyo?! Bakit pati ako nadadamay?! Nananahimik ako kahit andami kong gustong sabihin kay Louie mas pinanatili kong manahimik nalang at hayaan kayong maging masaya mag kasama!"
"Ikaw ang problema! Ikaw ang sagabal! Bakit ba hindi ka nalang mawala sa landas namin?! Sa tuwing nagiging masaya kami makita ka lang niyang kasama si Joss nawawala yung saya na binibigay ko! Nawawala lahat! Nawawala kahit yung ngiting minsan ko lang makita at nahihirapan pa akong makita hindi katulad mo! Tignan ka palang niya lumalabas na yung ngiting halos segu-segundonh gusto mong makita!" At nag hahabol ng hininga sabay tingin ulit sa'kin ng masama. "Kami ang couple pero bakit ako pag may kasama akong ibang lalaki ni-selos wala manlang siyang maramdaman?! Minsan pa nga pinag pipilitan ko pang nag seselos siya kahit alam kong malabong mangyari 'yon dahil pag dating lang naman sayo! Pag dating sainyo ni Joss, do'n siya selos na selos! Makita ka lang niya na nakangiti habang kaharap si Joss namumula na siya dahil sa selos! Pero sa'kin? Wala! Wala lang ako sakanya! Wala siyang pake sa'kin?! Wala! Kasi nga! Puro ikaw! Ikaw na bestfriend niya! Ikaw na bida!" Sabay iyak nanaman siya.
"Gusto ko siya! Gustong gusto ko siya! Pero hindi ko siya maagaw sayo dahil pati ako! Halos mamula na dahil sa selos gusto ko siyang agawin sa'yo! Gusto ko siyang laging nasa tabi ko! Selfish ako? Oo, masasabi ngang selfish ako! Pero hinayaan ko kayo, hinayaan kitang makasama siya! Hinayaan kitang ituon ang atensyon niya sa'yo! Hinayaan kitang alagaan siya! Hinayaan kitang bantayan siya! Hinayaan ko siya ligawan ka para sa ikakasaya ninyong dalawa! Hinayaan kitang angkinin siya! Hinayaan kitang kuhain ang oras ko sakanya! Pero bakit lumalabas na kasalanan kopa?! Kasalanan kopa na hindi niya maibigay ang gusto mong ibigay niya sayo?! Bakit parang ako pa yung naninira sa relasyon niyo? Eh! Wala naman akong ginawa para sirain kayong dalawa dahil hinayaan ko siya na ligawan ka para sa ikakasaya niya! Kahit gusto kong sabihin sakanya ang totoo na ayaw kong ligawan ka niya dahil sino ba ako?! Bestfriend lang naman diba?! Sapat ba yun para pigilan ko siyang ligawan ang babaeng gusto niya?! Sapat bang dahilan 'yon?! Hindi naman diba?"
YOU ARE READING
Loving You Secretly (Completed)
Teen FictionMinahal kita kahit alam kong hindi dapat. Minahal kita ng sobra sobra. Minahal kita ng hindi ko namamalayan.