Isip

396 9 4
                                    

Sa tuwing iniisip kita
Damdamin ko'y umaagos na
Gumuguhit ang iyong mukha
Na nakangiting kumakaway pa.

Ginoo ko'y, Iyong sanang mapansin
Sapagkat damdamin ko'y umaagos na rin
Sapagkat iba rin ang saya kapag ika'y nasisilayan na
Umaagos ang luha, pumapatak dahil sa saya.

Ginoo ko'y 'di ko alam kung kailan nagsimula
Sapagkat tayo'y nagkakatagpo bigla
Lalo na sa panahong ako ay nasasaktan;
Para kang anghel, pinapagaan ang puso kong duguan.

Hindi ko maitindihan!
Puso ko ay duguan!
Nang sa isang iglap ika'y nasilayan na naman
Puso'y biglang gumaan na parang 'di nasugatan.

Para akong umiibig kapag iniisip kita.
Madalas kong pinipigilan ang aking nadarama!
Pero alam kong 'di ko na ito maitatago pa
Sapagkat mata ko ay muling kumislap at nagkabuhay na.

Ginoo ko! Puso ko ay nabihag mo na
Sapagkat parang asong tulala kapag iniisip ka
Nasasabik palagi kapag makikita ka
Ginoo ko! Anong ginawa mo sa puso kong dating umayaw na?

010620

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon