Manatili

16 3 0
                                    

Sa pagtagpo ng ating mga landas
Hindi inaasahang, ikaw ang magiging lunas.
Sa aking mga paglalakbay, ikaw ang nakakasama,
Nagkakasabay sa paglakad pero balewala sa una.

Sa pagpapatuloy ng mga paglalakad ko,
Ikaw ay lumapit at ako'y pinagkwento.
Hindi namamalayang isa na ang tinatahak natin,
Sapagkat masaya sa palitang kwentuhan natin.

Minsan sa paglalakad ay napapaisip;
Bakit nagpapatuloy, ano kayang nasa isip?
Dahil kung titignan ang tinahak na nilakaran
Mga alaalang masaya kahit hindi ipagpilitan.

Aminadong sa puso ay may kapayapaan na,
Sapagkat ipinapakita ang tiwala sa isa't isa.
Sana magkaroon man ng dalawang daan
Nawa sa dulo ay magtagpo at magkita naman.

Hinihiling sana ay manatiling kaagapay
Isa lang naman ang daan, wag na humiwalay.
Kung dumating man na ikaw ay mahirapan
Tutulungang tumayo, hindi babalik sa nakaraan.

Hindi man ganun kadali tahakin ang nilalakaran
Sapagkat pinagaaralan ang bawat nakaraan.
Sana naman sa bawat pagkwento ng pagkatao,
Inaalam ng puso kung paano ito ibigin ng totoo.


031920

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon