Dalangin

22 2 0
                                    

Ang akin lamang hinihiling sa bawat saglit
Sana makasama ka at muling mayakap ng mahigpit
Minsan hindi ko na kaya ang lungkot na nadarama
Sapagkat ako ay sabik na sa pagbabalik mo sa tuwina.

Dalangin ko rin na sana maging ligtas ka sa bawat paglalakbay
Kung minsan ako ay iyong tawagan kung ika'y may suliranin sa buhay
Palagi akong nandito, nakaabang sa mga nais mong ikwento
Makikinig ako kahit gaano man kahaba ang isasalaysay mo.

Minsan hindi ko maiwasang mangamba at matakot para sa atin
Salagkat maaaring dumating ang araw na magkalayo ang landas natin.
Dahil nais ko na palagi kang kapaling sa aking tabi
Nasa iyong kandungan, at isinasaisip araw-araw pipiliin palagi.

Maipapangako mo ba sa akin sa mga oras na nalalabi?
Na susulitin natin na magkasama at magkaabay sa bawat sandali?
Dahil malapit ng dumating ang araw na kailangan mo ng lumisan
Dalangin ko, na sana matupad mo ang iyong mga kagustuhan.

Dahil kung minsan gusto na kitang ipagdamot sa lahat ng bagay,
Sana palagi ka na lang kasama sa bawat oras at paglalakbay
Maaari bang hintayin mo kong tuparin din ang pangarap ko?
At sabay lumisan kahit saan man natin gustuhing tumungo.

Ngunit kung hindi papalaring, hindi tayo magkasama
O sadyang hindi na kayang pagsabayin sa tuwina,
Ginoo ko, palagi ko pa rin idadalangin ang kaligtasan mo.
Dahil hindi ako mapapakali, kaya nawa'y mag-iingat sa paglalakbay mo.


052820

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon