Guniguni

185 5 0
                                    

Sa mga oras at araw na hindi kita nakikita
Minsan sumasagi ka sa isipan ko bigla;
Kung minsan ba ay pumasok ako sa kaisipan mo?
Sa tuwing dinadalaw ako ng mga paruparo?

Samantalang sa aking mga haraya
Kapag may dumadaang kalalakihan, nagugulat naman bigla
Parang kasi iyong postura kung tumayo
Kita ko ang salamin, parang ikaw mismo.

Siguro ganto talaga kapag namimiss kita
At parang hanging niyayakap sa tuwina
Na parang ang lapit mo at nandito sa tabi ko
Na saan ka ba kase, hindi kita matanaw ng mata ko?

Minsan sa lungkot ko ay biglang natatahimik
Dahil sa mga tingin mo, ako ay sabik
Kaya eto ako sa tula ay inihahabilin
Ang pusong sayo'y may lihim na pagtingin.

Kaya kung minsan kapag ika'y nakikita
Gustong gusto ko kabisaduhin ang iyong mukha
Pero napakahirap tyempuhang titigan ka,
Malapit kase tayo sa isa't isa, mahahalata mo pa.

Kaya minsan sana'y hiniling kong 'di mo ko makita,
Para hindi mo ko makitang humahanga sayo ng sobra
Perpekto ka na sa paningin ko at walang magagawa
Dahil miski sarili ko, hindi ko na kayamg pigilan pa.


011720

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon