Pagpapatuloy

12 3 0
                                    

Bumibilang ang oras sa paghihintay
Na baka sakaling ikaw ay bumigay
Na sana ako ay lapitan para kausapin
Upang magsimula sa 'di natapos na takbuhin.

Bawat oras inilalaan sa pagtitig sa orasan
Na baka sa bawat segundo ay nasa isipan
Nagaabang sa resultang naganap
Sapagkat masamang hangin ay nalanghap.

At kung minsa'y puso ay naguumapaw,
Sa mga sakit at luhang maaaring gumunaw.
Na sa isang iglap maaaring nasasaktan na
Pero hindi sapat ang nadarama.

Sapagkat sa kabila ng lahat ng ito,
Nais pa rin magpatuloy ng puso,
Hindi sapat ang sakit na nadaplis,
Pipiliing madurog muna bago umalis.

Marupok kung tawagin ng nakararami
Pero matapang kung alam ang bahagi.
Sapagkat sa bawat "paalam" mo sa akin
Walang sigurado, pero aking sagot "ika'y hihintayin".

Pipiliin kong magbulag bulagan sa katotohanan,
Na kung minsan, may pawang kasinungalingan,
Sapagkat sa kabila ng lahat ay pilit hinahayaan,
Pero ang totoo ayaw lamang lubos na masaktan.


041220

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon