Nararapat

42 4 0
                                    

May mga bagay na nakatadhana
At eto ay sa kinabukasan nakatala
Subalit sa kasalukuyan nagtagpo
Mali ang panahon kaya itinago.

Kapag nasa tabi, hindi madama
Kung nasa malayo, hindi naman makita
Pero ang damdamin ay lumalapit
At sa puso ay lubos na kumakapit.

Nais kong sana ay hindi maiwan
Kung ang karamdaman ay nasa unahan
Ayokong magmadali sapagkat mali
Kaya sana maghintay at magtagpo muli.

Sa araw-araw na paglalakbay ko,
Sa isip ko'y ika'y sumagi sa at ikinainis ko
Sapagkat pinipigilan at nilalayuan
Eto naman ang nararapat na sundan.

Sa ngayon kasiguraduhan ay mag-isa
Kailangang mag-isip ng tama at tugma
Hindi pwedeng puso ang manguna
Kung ang itinitibok nito ay mali na.

Kaisipan ay aking palalakasin
Damdamin ay samantalang 'di pagaganain
Eto ay isang gawaing pagrespeto
Lalo na kung ang sarili mo ay mahal mo.


020520

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon