Makulay

25 3 0
                                    

Makulay ang buhay pag tayo'y magkaakbay
Kasama sa paglalakbay ikaw lang ang kaagapay
Sa puso nararamdamang ako'y mahalaga
Sapagkat ipinapadama sa akin sa tuwina.

Sa pagtingin na hindi ibinabahagi ng bibig
Ngunit nararamdaman sa ating pagtitig.
Hindi man masambit ang salitang "mahal kita"
Ngunit sa aking panalangin ipinapadama.

Dating kulay na tila nagkulay itim at puti
Ngayo'y nagkakulay ng higit pa sa kayumanggi
Nararamdaman ng puso ang muling pagkasigla
Hindi natatapos ang isang araw ng walang tawa.

Parang isang regalong sa aki'y ibinigay,
Inaalalayan sa pagsubok sa buhay,
Positibo at negatibong bagay ang mayroon man
Tanggap ang pagkatao, palaging sasamahan.

Ramdam ang pagkaswerte ng pagkatao
Hindi madalas magusap pero perpekto
Alam pareho na di iikot ang buhay sa isat isa
Pero hindi nakakalimot magpaalaala.

Parang hindi lamang naging makulay
Ang ating parehong paglalakbay
Sapagkat parang paraisong tanawin
Parang isang regalong kaloob din.


041920

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon