Kasiyahan

21 3 0
                                    

Ngiting gumuguhit sa aking mukha
Kapag nagkakatinginan tatawa bigla.
Hindi maipaliwanag ang kasiyahang nadarama
Sapagkat di na napipigil ang mga pagtawa.

Minsan sa buhay ay nagkakatampuhan
Subalit sayo'y maligayang lubusan
Kaya nagkaayos at nagtawanan
Sapagkat ang isa't isa ay hindi mabitiwan.

Pagkagising ngiti agad ang namumutawi
Sapagkat ikaw ang unang ibinabahagi
Napapadalas ang ngiti at sigla ng katawan
Sapagkat sayo lamang ang kaligayahan.

Hindi man masambit kung gaano kasaya ang puso
Sapagkat kulang ang salita sa ligayang buo
Ano pa kaya kung nagkakasama palagi?
Paniguradong sa tuwina ang ngiting malaki.

Iyong sanang mapansin pagbabago ng saya
Umaabot sa mata, kumikislap sa tuwina
Paniguradong sa isang tingin kilala na
Sapagkat nararamdaman ang isat isa.

Sa ating sabay na palitan ng pagtawa
Sana ay umabot sa dulo ng walang hangga.
Sapagkat mayroon mang kalungkutang madanas
Tayo lamang ang maaaring maging lunas.


032320

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon