Banayad

19 4 0
                                    

Sa bawat sandali ay aking iniisip,
Sa bawat sandali, puso ay lumalakip.
Hinihintay ang oras ng Iyong paglapit
Bawat segundo sa labi may gumuguhit.

Sinasamahan sa mga paglalakbay
Parang Prinsipe kung umaalalay
Kung sa pagpapayo ay parang haligi
Nanahanan sa akin ang iyong ibinahagi.

Magkalayo ngunit nasa puso at isip
Hindi alintana, kung iyong isinaisip.
Sapagkat babawi sa kinabukasang datin'
Mapalaki, mapaliit, aking pagyayamanin.

Hindi malaman kung paano ibabahagi,
Sapagkat ang puso'y lubos na kinikilig.
Paano ko ba saaabihin ang maghapong kapaguran,
Kung sa iyong mga mata pa lang ay lubos na ang kapahingahan?

Maubusan man ng oras sa maghapong inilaan
Hindi din dahilan para kalimutang ihabilinan
Sapagkat sa umpisa pa man ng kwentuhan,
Itinanim na ang pangakong "iingatan".

Sa pagpapatuloy ng pagguhit nitong kwento,
Sa paglakad magkasama, sana hanggang dulo,
Kung kailanganing kumanan ka, kumaliwa ako,
Ako'y banayad na maghihintay sa gitna nito.


031220

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon