Damdamin

68 4 0
                                    

Minsan sa lumbay ako'y nahihiya
Sapagkat napapadalas ang pagkita ng luha
Subalit nasisilayan, dinadamayan naman sa lungkot ko
Hindi hinahayaang mag-isa sa haraya ko.

Sadyang pinagtatagpo ang mga yapak natin
Subalit ito ay hinahayaan at hindi pinapansin
Sa umpisa at sa sumunod palaging iniiwasan
Sapagkat pagdating sa dulo ay ayaw masaktan.

Parang sa umpisa bihasa na at lubos nang magkakilala
Sapagkat dahan-dahang sinusuyo ang puso ng mga mata.
Ito ay kumikislap at parang kilalang-kilala
Matang magkaibigan pala, kaya sa puso'y lubos ang saya.

Sa damdamin ay lubos na naguumapaw ang kakaiba
Nakaramdam ng pagkabuo at balde ng saya
Hindi nauunawaan kaya sayo ay lumayo
Hindi mo man napansin pero may bulong sayo.

Sa isang hakbang pala papalayo sayo
Katumbas ang sampung hakbang sa akin patungo
Anong magagawa kung magkatulad ang kapalaran
Kaya ako'y lalakad sa isang kahihinatnan.

Sa aking paglakad maraming pagsubok
Ngunit alam kong ikaaang kaagapay sa sulok
Ika'y papasok sa isip ko upang palakasin
Sapagkat sayo kukuha ng lakas sa pagtayo sa buhangin.


020320

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon