Puso

35 2 0
                                    

Sa bawat pagtibok ng aking puso
Nawa'y malaman mo na malaki ang bahagi mo rito
Sapagkat ramdam na ramdam ko ang pagkabuo
Ng aking damdamin sa aking buong pagkatao.

Kung ihahambing itong aking nararamdaman
Para akong sinasayaw sa ilalim ng malawak na kalangitan
Na mayroong napakagandang instrumentong mga tinig
Pati mga bituin sa langit nakakapagpangiti sa aking bibig.

Pasensya na kung mahal na mahal kita
Sapagkat gagawin ang lahat makita ka lamang na tumatawa
Pati na rin ang boses mong lalong gumaganda sa pandinig ko
At kapag naririnig, kinikilig at na papayapa ang puso ko.

Habang tumatagal lumalakas ang epekto mo sa akin
Dahil ang dating malungkutin ay naging masiyahin
Dahil simula pa lamang ng una naging pagtama ng mata
Binasa mo na ang aking kalooban at buong kaluluwa.

Hirap man akong ilabas ang emosyong nararamdaman ko sayo
Ipaparamdam ko naman sa araw-araw ang tunay na pagmamahal ko
Dahil napakalaki ng naitulong mo sa aking buong pagkatao
Dahil miserable ang buhay ko at kulang ang buong pagkatao.

At ngayon na dinala ka ng mga yapak mo sa akin
Tinuturuan mo na ako pala ako kung paano magmahal ng malalim
Nakita mo ko sa pinakamadilim na bahagi ng mundo
Ikaw lamang ang naglakas loob para mahalin ang kadiliman ng puso ko.

060420

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon