Sa bawat pagtakbo ng orasan sa mundo,
Walang kamuwang muwang, nabihag mo ang puso ko
Naguusap, nagkukwento, nagtatawanan tayo
Subalit sa aki'y walang halaga ito.Sa unang saknong nagpapakita ang kahalagahan mo noon
Eto'y balik-tanaw at dito tayo nakatuon
Iyong sanang mapansin ang nakaw-tingin ko ngayon
Sapagkat lahat ay nag-iba at lalong naging pusong-mamon.Mayroong dumalaw sa kauna-unahang tagpo
Ito'y isang paruparo sa tahanan tumungo
Ito ay ikinatakot ko at inalam kung para kanino
Dumapo ito sa aking palad at nagpakita ng kagandahan nito.Lalong naging iyakin at may dakong pinupuntahan
At sa tuwing tutungo, bakit palagi kang nariyan?
Palaging nagtatanong sa simula at pagkatapos,
Ipinapaalam palagi ang pagluha kong lubos.'Di ko naman kailangann piliting umiyak ng husto,
Sapagkat ito ay nagkukusa, nagtataka kahit 'di ko gusto
Madalas nangyayari sa tuwing magkakasalubong tayo
Hindi ko namamalayang lumuluha sa kagalakan ang puso ko.Isa lamang ang gusto kong iparating
Eto ang kahapon na inihallaghag ko lamang
At sa kasalukuyan akin nang papansinin
Pakaiingatan naman sa haharapin.012820
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Aking Haraya
PoésieMay mga damdamin talagang kay hirap ibahagi Nakakatakot sabihin kaya sa tula ibinahagi. Kaya dito isinilid ang mga patagong nadarama Dahil dito lamang maisasambit ng walang kokontra. Isang librong puno ng tula Para sa lihim na pagsinta. ©️2020