Paglisan

22 3 0
                                    

Hindi ko batid ang nais kong mangyari
Sapagkat ang puso ay gusto pa ring manatili
Subalit napakabilis ng mga kaganapan
Sa isang iglap kailangan nang lumisan.

Pasensya ka na kung ito'y gagawin ko
Dahil sa ating dalawa rin makakabuti to.
Ayaw ko manggawin pero kailangan na
Sapagkat kailangan ng sariling oras sa tuwina.

Patawad kung hindi ako pormal na nagpaalam
Sapagkat wala naman sa planong lumisan
Ginoo ko, nagbabalde ang mga luha ko
Bakit kasi kailangang maging mahirap to?

Etong ikabubuti nating dalawa sa tuwina
Pagsubok kung totoo nga ba ang pagsinta
Kung tayo nga ba ay hindi naglalaro?
Kung totoo nga ba ang parehong tinitibok ng puso.

Hindi bale na sapagkat ako'y kampante
Alam kong babalik ang lahat sa dati
Sapagkat lubos na hindi pa handa
Kaya sarili ang ating piliin muna.

Mahal ko, sana mapatawad mo ako
Sana ngayon maitindihan mo ang desisyon ko.
Sana hintayin mo ang pagbabalik ko
Hintayin mo ko, gaya ng paghihintay ko sayo.


042720

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon