Mababaw

28 3 0
                                    

Makausap, makasama masaya na,
Makitang nakangiti ay nagiging sapat na.
Simpleng mga bagay nakakapagpangiti
Mababaw man tingnan, ang mahalaga ngumiti.

Sa sandaling bumulay sa aking isip,
Nasagot ang tanong kung ako'y iniisip.
Simpleng regalong matatanggap sa sandali,
Malaking bagay sa aking puso namutawi.

Mapapansing isa lamang ang ibig sabihin
Kahit sa buong maghapong hindi kausapin.
Hindi nagiging basehan para masaktan
Masakit mang isipin ngunit agad ipaparam.

Sa lahat ng uri ng bagay ay mababaw
Pusong mamon ang maaaring palayaw
Pero minsan mahirap maging ganto
Sapagkat madaling masaktan ang puso.

Minsan nagtataka, parang kamote sa tuwina.
Sumusulpot bigla, minsan agad ding nawawala.
Biglang naguluhan kaya sa isip ay nagtagal,
Bakit ba ganito, hindi nagtutuloy at nagtatagal?

Ang kadalasang wala ay ang alinsunod
Ito ay isang salita na tapat at sunod-sunod.
Mahirap bang ibigay ang isang saglit na oras?
Dahil don hindi ko na maitindihan ang oras.


031520

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon