Pahinga

31 4 0
                                    

Bawat sandaling inilalaan sa usapan
Mga oras na paulit ulit ang mga tanungan.
Hindi alintana kung ito ay mangyare man
Sapagkat ang mahalaga humaba ang usapan.

Isang halika dito nakakapagpasaya sa puso ko
Isang tanong mo, daan daang sagot ang meron ako.
Masyado kang matalino sa mga binabalak mo,
Sapagkat sa isang gusto, higit pa ang nalaman mo.

"Halika sa aking tabi, kailangan ko."
Hindi nagsasalita pero ang puso ay kuntento.
Sa umpisa pa lamang alam na ang nilalaman neto
Ngunit binalewala; hindi sapat ang kaalaman ko.

Isang tawag, takbo kaagad papalapit
Ang pagod ay napawi kaya pahinga ang kapalit.
Sa isang ngiti at tawa mong nasisilayan ko,
Nagiging mas mahalaga sa akin ang kaligayahan mo.

Hindi nakakaramdam ng pikon sa akin
Mas masaya ako kahit madalas inisin
Sapagkat isa lamang ang kaligayahan ko
Ang iyong mga matang kumikislap sa paningin ko.

Pagdating ng isang kapaguran sa buhay
Iyong mga litrato lang ang kaagapay
Pamukaw-sigla ang mga mata mo
Kaya lubos ang aking pahinga sa ngiti mo.


030320

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon