Payapa

29 2 0
                                    

Parang nasa alapaap ang ating kapayapaan
Dahil sa tamis ng yakap at kaginhawaan
Hinding-hindi mawawala ang init ng pagmamahalan
Sapagkat walang sinoman ang pwedeng sumagabal.

Hindi ako napapakali kung ika'y malayo sa akin
Palagi akong sabik na makasama ka at makapiling
Napakasaya sa damdamin ang walang humpay na tawanan
Palaging iniitindi ang isa't-isa kapag may pinagkakaabalahan.

Lalong naging matibay at matiwasay ang pag-uugnayan
Laging ginagabayan ang isa't-isa't inaalalayan
Napakadalang man magkita at sa teknolohiya lamang ang kwentuhan
Dahil ang prayoridad ng isa't-isa ay ang ating ugnayan.

Iyong inaawitan kapag sa tuwing nais mo kong tawagan
Dahil "tatawag ako, para ang pakiramdam mo'y gumaan."
Ngiti ay biglang lilitaw at ako'y makakaramdam ng kilig
Para akong dinuduyan nang iyong mga tinig.

Sa aking tabi hindi lamang kita aking ka ibigan
Nagagawa mo ring maging kapatid kong tinuturuan
Sa mga bagay na hindi ko pa lubos na nalalaman
Parang isang matiyagang kapatid na ako'y tinuturuan.

Sana dumating na ang panahon na maluwag na ang oras
Mga panahon na hindi na muling masasayang at lilipas
Sapagkat ang panahon na yon ay itutuon sa kalawakan
Sa sobrang kahabaan ay mabibilang na ang mga tala sa kalangitan.

052120

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon