Bihag

18 2 0
                                    

Ako ay naging alipin sa bihag mo
Sapagkat hindi nagsasawa sa yakap mo
Napakasarap sa pakiramdam sa bawat haplos mo
Damang dama kong ligtas ako sa piling mo.

Hindi na mawawala pa ang pangtangi ko sayo
Sapagkat ikaw ang matagal nang hinahanap ko

Maaari ko bang malaman ang laman ng puso at isip mo
Sa tuwing nalalayo ako sa paningin mo?

At sa tuwing nahuhuli ko ang iyong mga tingin
Parang isang hipnotismong napaka lalim
Inaalam at isinasaulo ang buo kong pagkatao
Kaya kung madalas sa isang tingin alam na ang laman nito.

Kaya kapag ako ay nakikita mong nililihim ko ang kalungkutan
Kay rami ko mang pagtanggi ay iyong nilulusutan.
Palagi kang nandyan at handang makinig sa akin,
Salamat dahil napakabuti ng pagbihag mo sa akin.

Ikaw ang nagbalik sa mga bagay na aking kaligayahan
Sinamahan mo kong tumayo at hindi hinayaan
Dahil minabuti mo na palaging hindi ako iiyak pa
Sapagkat ikaw ang nagpupunas ng lahat kong luha sa tuwina.

Salamat at hindi ka nagsawang yakapin ang kadiliman ko,
Pinatunayan mong hindi nakakatakot ang pagkatao ko.
Salamat at hindi mo pinansin ang pagtaboy ko sayo
Dahil alam mo kung paano bihagin ang puso ko.


061020

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon