Maghihintay

21 1 0
                                    

Damdamin ko'y puno ng kalumbayan
Mahal ko maaari bang huwag ka ng lumisan?
Hindi pa man ito tuluyang nagaganap
Pero kahit anong paghahandang gawin hindi matanggap.

Kaya sa ngayon ay sinusulit ko ang mga araw
Na malapit ka pa sa piling ko at abot-tanaw.
Hindi ko man pinapakitang nalulumbay ako
Ayoko lamang makasagabal sa mga plano mo.

Pilit kong kinakalimutan na aalis ka na
Itinatago ko sa mga pagsulit sa oras at pagtawa
Pati na rin sa paglibang sa ating dalawa
Huwag ko lamang maalala ang nalalapit na trahedya.

Hindi ako madamot kaya pinapaubaya kita,
Hindi ka naman aalis para iwan ako, hindi ba?
Tutuparin mo lamang ang iyong mga pangarap sa tuwina.
Naghihintay ako aking Mahal, at sana iyong maalala.

Kaya ipapabaon ko sayo sa araw-araw na paglalakbay mo,
Ang pagmamahal ko na hindi ko pagsisisihang ibinigay ko.
Sa lahat ng kabutihan at sa mas nakahihigit na pagmamahal mo,
Lalong lalo na nung panahong walang pag-ibig sa buhay ko.

Pinatunayan mo sa akin na hindi talaga kay hirap mahalin ng pagkatao ko.
Mahal kita, at handa akong maghintay kahit sobrang tagal mo,
Maghihintay ako ng payapa na parang tala sa kalangitan
Na sinabi mo sa akin na parang mata kong kay gandang pagmasdan.


061520

Mga Tula ng Aking HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon