Chapter five- Killer
...
Di pala kami pumasok sa araw na ito para sa isang lower mission, 2 days na lang ma mi-meet na namin ang Fuentavella's family at nakakainis yun.
Kinakabitan na ako ni Zarie ng mga kailangan ko sa mission tulad ng baril incase of emergency, naka REO's black suit kami, may posas rin, flashlight na maliit, earpiece and micky.
Ina-analyst ko pa ang kaso ng mga White, well ang mission namin ngayon ay maghanap ng clue kung nasan si Ms. Aliza White. Ayon kay Ms. Annielyn White-Hermosa, nawawala daw itong si Ms. Aliza tatlong araw na ang nakakalipas kasabay ng pagkamatay ni Mr. John Alvin Hermosa which is asawa ni Ms. Annielyn. Natatakot kasi si Ms. Annielyn sa kaligtasan nila at ng ate nyang si Ms. Aliza. Ang naiisip ni Ms. Annielyn na pwedeng pumatay sa asawa nya at may kinalaman sa pagkawala ni Ms. Aliza ay si Ms. Rebecca White-Huidem ang aunt nila na may galit sakanila. Lahat kasi ng mana ay binigay lang sa papa nila ni Ms. Annielyn kaya ito ang inaakala nyang may pakana ng lahat.
" Ano ba ang cause ng pagkamay ni Mr. Hermosa? " tanong ko kay Zarie na ichini-check kung gumagana ang earpice at ang micky.
" Poison. Nalason daw. " napakunot-noo na lamang ako.
" May instinct kasi akong parang may kinalaman itong si Ms. Aliza sa pagkamatay ni Mr. John. " sabi at napahalumbaba dito sa lamesa.
" Yeah naisip ko na rin yan. " sabi ni Agent Fast o Dhenver
" Huh? May isip ka pala. " pambabara ni Zarie
Binigyan lang sya ng matalim na titig ni Dhen at ito namang si Zarie patay malisya lang pumunta sa monitor.
" Pumunta na kayo dun at pag may nangyaring masama call a back-up instantly. " sabi ni Kyle na kakapasok pa lang.
Nag nod lang ako at naunang lumabas, hinawakan ko yung earpice at in-on yun.
" Agent Dark speaking is on the way for mission. "
~*~
Narito na kami sa bahay ng mga White at ang maganda sya at malaki. Nag door bell kami at itinapat sa parang camera yung logo ng agency namin, alam naman ni Ms. Annielyn na agents kami.
Bumukas ng automatic yung gate at pumasok na kami. Sumalubong saamin ang babaeng may mahabang itim na alon-alon buhok, maputla ang balat, at kitang-kita ang pagod sakanya dahil sa mga eyebags nya pero di pa rin kumukupas ang kagandahan nya. May karga syang batang babaeng may edad na dalawang taon at may kambal na babae at lalaki sa likuran nya na sa tyansa ko apat na taong gulang pa lang.
" Magandang araw, ako si Annielyn White-Hermosa. Just call Ms. Annie. " nakangiting sabi nya naglahad ng kamay nya.
" Magandang araw rin po ako si Agent Dark. " usal ko at nakipag handshake.
" Agent Fast po. " sabi ni Dhen at nakipag handshake rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/185001794-288-k541504.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly Married to Protect Him
Romance" Every sunset is a proof that everything has an ending. " Isang babaeng nagpanggap na nerd at dapat magpagkasal sa isang lalaki para magtagumpay sa kanyang mission na protektahan ang isang tao. Sya si Fritzy Selene Selvester o mas kilala sa tawag...