Chapter Twenty Seven- Selos
...
Selene's POV
Nagising na lang ako na nasa kwarto ko na ako, tae palagi na lang ako nahihimatay hutek!
" Arghh! " daing ko ng sinubukan kong umupo. Tae ang lakas talaga nung Nicky na yun ahh.
" You're awake. " ani ng isang lalaking may magulong buhok na may dalang pagkain. Hayst nagutom ako ahh.
" Ano yan? " tanong ko na nakatingin sa pag-kain na dala nya.
" Macaroni soup. " sagot nya at binigay saakin ang soup.
" Are feeling okay? " seryuso nyang tanong.
" Medyo masakit ang katawan ko, anong oras na ba? " tanong ko.
" It's 9:00 o'clock in evening. " sagot nya.
" Ah okay. " sabi ko at kumain na.
" So kumusta? Alam na nung Nicky na asawa na kita. " dagdag ko.
" Nagawan na ng paraan. "
" Teka? Ikaw ba nagluto nito? "
" Oo. "
" Luh? Marunong ka pala? "
" Not really sinunod ko lang yung instruction ni Zarrie. " sagot nya na kinatahimik namin.
" Infairness masarap ahh. " sabi ko at uminom ng tubig.
May inabot naman sya na tableta ng gamot, na tinanggap ko naman.
" Ano 'to? " tanong ko.
" Pain killer. " sagot nya at kinuha ang bowl at kutsara na ginamit ko.
Ininom ko naman ito at nahiga na ulit.
" Good night. " bati nya at isinarado na ang pintuan ng kwarto ko.
" Good night. " bulong ko.
-
Kinabukasan ay napagdesisyonan ko ng wag ng mag suot ng disguise ko. Well naisip ko lang, tyaka pinag tripan lang talaga ako ni kuya kaya ako pinapasuot ng pang nerd tae.
Bumaba na ako sa sala at pag dating ko dun ay may almusal na nakahain.
" Good morning madam! " bati saakin ng mga katulong at nag bow a.
" Good morning rin po. " bati ko pabalik.
Bahagya pa sila nagsi bulong-bulungan, siguro dahil di ko sinuot ang disguise ko. Medyo di na kasi maluwag ang suot kong blouse at ang palda ayun hanggang tuhod pa rin at yung buhok ko inilugay ko lang.
" Good morning Sir! " bati ulit nila ng bumaba na si Zacharey mula sa kwarto nya. Nag nod lang sya at tiningnan akong naka kunot-noo.
" Your not wearing a nerd outfit huh? " sabi nya.
" Gusto ko maiba naman. May problema ba? " sagot ko at kumain na.
Pagkatapos naming kumain ay agad akong napatingin sa wrist watch ko. Hayts mag commute pa pala ako.
" Sabay kana saakin. "
" Huh? "
" Bingi. Sabi ko sumabay kana saakin. " sabi nya at naglakad na papunta sa garahehan.
" Himala ata, pinasabay mo ko. "
" Mukha ka kasing tao ngayon. " sagot nya at pumasok sa driver seat.
![](https://img.wattpad.com/cover/185001794-288-k541504.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly Married to Protect Him
Romance" Every sunset is a proof that everything has an ending. " Isang babaeng nagpanggap na nerd at dapat magpagkasal sa isang lalaki para magtagumpay sa kanyang mission na protektahan ang isang tao. Sya si Fritzy Selene Selvester o mas kilala sa tawag...