Chapter 18

128 18 2
                                    

Chapter Eighteen- Coat

...

Selene's POV

Nakauwi na ako sa condo ko kasi inihatid na ako ni Zacharey na ngayon ay kasalo namin sa dinner, pagabi na kasi ako inihatid nya kasi pinuntahan nya pa si Nicole. Tss

Pero simula ng makita ko yung picture na yun, nanatili na akong tahimik at inisip ko kung posible kayang kapatid nya ang lalaking yun or.. Not?

" Hey, lil sis.. " ani ni kuya na tinapik ako sa balikat.

" Po? " tanong ko.

" Lalim ng iniisip mo ahh. " he said and chuckled, " Tinatanong ka ni dad. " he said kaya naman napatingin ako kay dad na katabi si Zacharey.

" Tinatanong ko kung okay lang ba ang pag stay mo dun anak. " dad said.

" Okay naman po.. " Sabi ko at sinubo ang pagkain na nasa spoon ko.

Bale kami lang ni Kuya Christ at Dad ang nandito wala kasi si Rile.

" That's good to hear. " sabi ni dad at nakipag kwentuhan na naman kay Zacharey about sa business, sumasabat rin si Kuya at minsan kapag may binubulong si Dad humahalaklak sila at si Zacharey naman ay namumula lang. Tss parang si Zacharey yung anak at kapatid nila ahh! Tss.

[ Ding! Dong! Ding! Dong! ]

" May bisita ka bang dadating Selene? " tanong ni dad.

Napa kibit-balikat naman ako kasi wala naman akong alam na bibisita saakin except..

" Buksan muna Selene. " utos ni Kuya na nakikipag biruan kay Zacharey at dad.

Napa ismid naman ako at binuksan ang pinto ng Condo ko.

Agad bumungad ang nakangiting mukha ng mga 'ugok' kong pinsan.

Napataas naman ako ng kilay.

" Ba't nandito kayo? " tanong ko.

" Ahh wala lang. " sabay na sagot ng dalawa.

" Sino yan Selene? " tanong ni dad na pasigaw dahil na rin na nasa kusina sya.

" Mga pinsan kong 'ugok' " sagot ko kay dad na pasigaw na kina-ngiwi ng dalawa.

" Di pwedeng gwapong pinsan? Ugok talaga? " maktol ni Dhen at pumasok na, na ginawa naman ni Kyle.

" Nandito pala si Tito.. " ani ni Kyle na nasa harapan ko pa at si Dhen? Ayun nasa kusina na. Ang tatalas talaga ng pang-amoy ng mga to pupunta dito pag may pagkain kami.

" Yap with Zacharey. " bored kong sagot na napa 'ohhh' lang sya at inunahan ako papunta sa kusina.

Naabutan ko na lang na naglalaro na ng ML si Zacharey at Dhen, si Dad naman ay may kausap sa Phone, Si Kyle at kuya ayun chimichibog.

Teka? Diba galit itong Dhenver na to kay Zach?

" Oh andyan kana pala Queen! Laro tayo Ml! Ang galing pala nitong si bayaw! " sabi ni Dhen na nasa cellphone nya parin nakatutok.

Secretly Married to Protect HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon