Chapter 1

187 7 0
                                    

"Girl, halika na! Gutom na ako."

Pangungulit na saad ni Annie sa akin   habang inaayos ko pa rin ang mga gamit ko.

Napabuntong hininga lang naman ako. Katatapos lang ng klase namin at literal akong na-stress.

Pinag-quiz kasi kami ng prof sa isang subject. Pero hindi ako nakapag-basa ng notes ko dahil maaga akong nakatulog. Kaya ngayon heto't namomroblema ako pero babawi talaga ako!

Nakakainis lang talaga iyong huklubang 'yun! Samantala kasi matandang binata na kaya naman pati kaming mga estudyante niya ay dinadamay niya sa galit niya kung bakit wala siyang love life hanggang ngayon!

Nakabusangot lang ako habang palabas ng room. Tahimik lang namang naghihintay si Annie sa akin.

Habang malayo pa ring nakatingin sa labas at nag-kandahaba haba ang leeg na nakasilip sa kung saan ni hindi man lang niya namalayan na nasa tabi na niya ako.

"Gosh! Ano ba yan!" maarte niyang sinabi. I rolled my eyes.

Gulat na gulat na siyang makita akong nasa tabi na niya habang nakahawak siya sa kanyang dibdib.

"Ginulat mo naman ako" dagdag na saad niya.

"Eh ano ba kasi ang sinisilip silip mo diyan!" naiinis kong saad sa kanya.

Eh paano ba naman kasi gutom na gutom na rin talaga ako! Ikakain ko na lang ang pagiging badtrip ko. Umirap siya at hindi na niya ako sinagot.

"Nasaan na iyon?" bulong-bulong niyang sabi sa sarili.

"Sino?" pang-uusisang tanong ko.

Napahawak na naman siya sa dibdib niya. She glared at me. Tinignan ko lang siyang nagtataka.

"Ano ba!"saad niya at lumayo ulit ng kaunti.

Seryoso! Anong problema nitong babaeng ito! Akala mo namang may sakit akong nakakahawa kung makalayo siya sa akin.

"Annie! Nagugutom na ako! Hindi pa ba tayo aalis?" naiinis ko nang saad sa kanya.

"Mauna ka na." saad niyang habang nagkandahaba haba pa rin ang leeg.

Kanina niya pa iyon ginagawa! Mukha na siyang tanga.

"Nasa cafe na sila kuya. Halika na!" saad ko ulit sabay hila na sa kanya.

"H-huh?"nalilito niyang sinabi habang nagpapahila naman sa akin.

Napakunot ang noo ko.Bakit parang nagtataka pa siya kung bakit ko alam ko. Eh sa malamang alam ko kung nasaan iyon kuya ko kaya iyon!

At isa pa alam ko namang si kuya talaga ang hinahanap niya. Kanina ko pa kaya siya napapansin na siya iyong hinahanap niya. Hindi pa niya kasi sabihin sakin na sobra ang pagkagusto niya talaga sa kuya ko.

Kahit na alam ko naman patuloy pa rin ang pag-de-deny niya sa akin. Kaibigan niya kaya ako syempre mahahalata ko pa rin. Sobrang obvious niya rin kasi kahit na minsan hindi rin siya pinapansin ng kapatid ko.

Tahimik lang naman kaming naglalakad ni annie, katabi ko lang siya pero parang hindi kami magkasama dahil sa lalim ng iniisip niya.

Napabuntong hininga lang siya ng malalim bago nagtanong.

"Magugustuhan kaya ako ng kuya mo?"

I shrugged.bHindi ko naman kasi alam kung ano ang mga tipo ni kuya.
His so unpredictable. Ang hirap niyang basahin.

Oo nga at magkapatid kami pero hindi naman kami gaanong close. Ma limit iyon sa tao eh! Pili lang rin kasi ang mga nakakasalamuha niya.

Minsan pa nga kapag ayaw na niya sa isang tao never ka na niyang kakausapin. Saka snob rin kasi iyon tapos suplado pa!

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon