Chapter 18

56 2 0
                                    

Pagkatapos umiyak ni Annie sa bisig ko tuluyan na rin siyang nakatulog dahil sa pagod.

Bumuntong hininga ako habang inaayos ko ang kumot sa kanyang katawan. Tinitigan ko ang maamo at maganda niyang mukha. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko para sa kanya.

Somehow I pitied her feelings to Kuya Jaz but somehow I'm relieved because I know kuya Jaz don't deserve Annie He doesn't deserve her love.

Bumuntong hininga ulit ako bago ko iniwan si Annie na tulog sa kama at dumiretso sa closet upang magpalit na ng damit.

Pagkatapos nagtungo na ako sa pintuan para lumabas at ipahanda lahat ng gusto naming kainin ni Annie para sa movie marathon mamaya.

Pagkasarado ko ng pintuan ay saktong pagbukas rin ng pintuan sa gilid malapit sa balconahe kung saan ang tabi nito ay kwarto ni kuya Jaz. 

Nagkatinginan kami. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na maliit na bag. Kumunot ang noo ko.

"Sleepover?" hindi ko na napigilang itanong.

Tumango siya at naglakad na patungo sa hagdan para bumaba. Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang rin sa kanya. Nagbuntong hininga ako.

"Kuya." mahinhing saad ko.

Hindi siya nagsalita at ni tumingin man lang sa akin pero alam kong nakikinig siya.

"Annie's here!" saad ko.

He stiffened a bit after he heard her it. Dahan dahan siyang tumango.

"Kaya ka ba aalis?" tanong ko.

Ayokong makiusisa sa kung ano mang meron sa kanila pero hindi ko mapigilan ang pagiging kuryoso ko. Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga niya.

"Aeya. No. It's just that." saad ni kuya at hinarap ako.

"Her at fault. I'm at fault too. We're all at fault. But I need to somehow, sort things out on my own kaya ako aalis muna. Alam kong ikaw lang ang pupuntahan at kaibigan niya. Kaya naman ako na lang muna ang aalis kasi baka kapag nandito kami sa iisang lugar. " tumigil siya at umiling saka mariing pinikit ang mga mata.

Alam kung may sasabihin pa siya pero hindi na niya sinabi. Dahan dahan akong tumango naiintindihan ang gusto niyang iparating.

"I understand Kuya but please don't hurt my bestfriend." saad ko sa kanya.

"I already hurt her, baby. But don't worry. I know she'll be fine soon." saad niya bago tinapik ang balikat ko. 

Tuluyan na siyang umalis hanggang sa hindi ko na siya makita sa pintuan. Tanging narinig ko na lang ay ang pag busina ng sasakyan bago ito humarurot.

"Gising ka na pala." saad ko nang mapansing nakatayo si Annie sa counter top malapit sa dining table.

Tipid lamang siyang ngumiti sa akin habang tinititigan akong naglalapag ng ulam sa dining table.

"Aeya. Ako na dyan." si Manang Letty na kanina pa ako pinipigilang tumulong maglapag ng pagkain para sa hapunan.

Ngumiti lang ako.

"Kaya ko na ito Manang." saad ko bago bumaling kay Annie.

"Halika ka na upo ka na dito." saad ko pa na ikinatango niya lang naman.

"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka." saad ni Manang Letty.

I giggled and looked at Annie but she just smiled. At least ngumingiti na siya kahit medyo mugto pa rin ang mata galing sa kakaiyak kanina.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon