Chapter 4

104 3 0
                                    

"Ano iyan?"

Chismosang pagtatanong sakin ni Annie. Habang nakanguso ng may makita siyang paper bag na hawak ko. Agad ko rin naman itong inilayo sa kanya.

"W-wala." nauutal kong sabi.

Umirap siya dahil sa sinabi ko at humalukipkip.

"Kaibigan kita, Aeya. Ayokong nagsisinungaling ka sa akin." saad niya at agarang hinablot ang dala dala ko.

Wala na akong nagawa kundi sumuko at ibigay na lang sa kanya ang hawak ko. Tama siya. Kaibigan ko siya kaya dapat sabihin ko kung ano iyon pero kasi magagalit na naman ito sa akin.

"Lunchbox? For whom?" tanong niya at kumunot ang kanyang noo.

Umiwas ako ng tingin at hindi siya matignan. Hinahanda ko na ang sarili ko dahil alam kung bubungangaan na naman niya ako. Unti unti siyang nag angat ng tingin sa akin ng marealize kung kanino ko ito ibibigay.

"Its for Jm, right?" nang-aakusang tanong niya.

Naisipan kong magdala ng pagkain para sa lunch ni Jm ngayon dahil alam kung tuloy tuloy ang klase nila ngayong araw. Kung makakakain man siya'y medyo late na at paniguradong ubos na ang luto sa cafeteria. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na dalhan siya.

Ilang minuto niya ako tinitigan bago umiling. Napakagat ako sa labi ko.
Marahas siyang nagbuntong hininga.

"Alam mo, Aeya!" panimula niya.

Nako! Ito na Aeya....

"Hindi ko alam kung anong pumapasok sa kokote mo at nag-e-effort ka pa para bigyan ng ganito iyong lalaking iyon eh!" saad niya at tinaas ang lunchbox na dala ko.

"Seryoso ka lunchbox? Talaga ba?"

"Eh ano ba dapat? Naibigay ko na sa kanya iyong puso ko." mahina kung sabi.

Agad niya naman akong tinaliman ng tingin bago nagbuntong hininga ulit.

"Huwag mo kung sasagutin at hindi pa ako tapos!" naiinis niyang sabi.

Minsan hindi ko maiwasang magtaka. Kung si Mommy pinagduduldulan ako kay Jm. Itong si Annie naman panay ang sermon sa akin. Sino ba talaga ang nanay ko sa kanilang dalawa?

"Maganda ka naman eh. Maganda!  Pero hindi ko alam kung bakit ka nagpapakatanga sa lalaking walang ginawa kundi deadmahin ka. Hay nako! Nakaka-stress ka!" sabi niya sakin at pinaypayan pa ang sarili.

Tinititigan ko lang siya. Halatang stress na si Annie sa mga pinag-gagawa ko. Mukhang nagkaka-wrinkles na rin ata siya.

Wala akong ginawa roon kundi tumayo at pakinggan ang nakakairitang sermon niyang paulit ulit.

"If you really mean something to him, then he will make an effort to break the wall you have built around yourself." patuloy ang pag-sermon niya.

"Pero...ano? May ginagawa ba siya? Wala naman!"

Nangungunot ang noo ko. Hay nako Annie! Ayoko ng pakinggan ang mga pinagsasabi mo. Bahala ka dyan!

Kunwaring nakinig na lang ako sa panenermon niya pero ang totoo hindi naman. Hindi ko siya pinapakingga at lumilipad ang isipan ko sa ibang bagay. Nagsasayang lang siya ng laway sa pagbubunganga niya.

Alam ko ang gusto niyang iparating sa akin. Alam naming pareho na matagal ko ng gusto si Jm. Grade four ako ng makilala ko siya. He was a transferree. Dahil sa sobrang puti niya napagkakamalan siyang anemic. His style is like a boy next door.

Aware siyang may gusto ako sa kanya. Hindi rin naman tinatago iyon sa iba. Ang problema nga lang kahit alam niya namang gusto ko siya ay hindi niya pa rin ako pinapansin.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon