Chapter 3

109 3 0
                                    

Narinig kong may kumatok sa kwarto ko. Nakapikit pa rin ako pero mulat na mulat na ang diwa ko. Naririnig ko na rin ang mga boses nilang nag uusap-usap sa labas hindi nga lang gaanong malinaw.

Sa pangalawang beses ay may kumatok ulit. Ngunit hindi man lang ako nag-abalang pag-buksan siya ng pinto.Tinatamad pa akong bumangon.

Tumunganga lang ako sa taas ng kisame. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang pinto at iluwa nito si Kuya Sakie.

Napairap ako ng makitang pumasok siya. Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi niyang "mabigat ako" kaninang binubuhat niya ako.

"Our princess is awake."

Nakangising bungad niya sa akin.  Habang papalapit lang sa kama. Nang makalapit umupo siya sa dulo ng kama. Hindi ako nagsalita. Tahimik ko lang siyang tinititigan.

"Hindi ka man lang ba magtatanong kong bakit nandito ako?" tanong niyang nakangisi pa rin.

Umiling lang ako sa kanya. Habang tamad na tamad pa ring nakahiga sa kama. Wala pa ako sa mood para makipag-asaran sa kanya. At wala rin akong paki-alam kung narito siya sa kwarto ko ngayon din.

For god sake, kakagising ko lang at ang nakakainis pa ay ang mukha niya ang bubungad sa akin. Sinong matutuwa doon, wala!

"Kuya, can you leave? Wala pa ako sa mood para kausapin ka." sabi kong tamad na tamad pa ring nakahiga sa kama habang siniksik pa ang sarili sa kumot.

"Awts!" kunwaring nasasaktan niyang saad.

"Kakauwi ko lang baby at pinapaalis mo na naman ako." maarte niyang sabi habang peke na nasasaktan at nakahawak sa kanyang dibdib.

Ang arte!

Napairap lang ako sa sinabi niya.b Niyakap ko na lang rin ang unan at hindi siya pinansin.

Narinig kong bumukas na naman ulit ang pinto sa pangalawang pagkakataon.

"Jashiel brotha. Jashiel!" pilyong sinabi ni Kuya Sakie habang papalapit ito sa amin.

Great! An annoying brother and an overprotective brother. Perfect combination to my own peaceful beautiful room!

Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga at mapairap sa dalawang ito. What now?

Binalingan ko siya ng tingin at nakitang kumakain siya ng grapes habang sinusubo niya ito sa kanyang bunganga.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi niya pinansin ang pang-aasar ni Sakie sa kanya. Dire-diretso lang siyang naglalakad patungong bintana ng kwarto ko.

"You're awake, baby. " saad ni kuya Jashiel habang patuloy ang pag-nguya sa grapes.

Siya ang panganay sa aming magkakapatid. Ngumiwi ako. Hindi ba obvious?

"Where is Daddy Kuya?" I asked instead.

Nagtaas lang siya ng kilay sa akin habang sinusubo pa rin ang grapes sa kanyang bunganga!

"He's not with us."

"What?" hindi makapaniwalang saad ko. "Why?"

Nakita kong maarteng umirap si Sakie na hanggang ngayon nakaupo pa rin sa kama. Nagtaas lang naman ng kilay sa akin si Jashiel.

Hindi siya sumama sa pag uwi? Namimiss ko na siya eh. He is the only one I wanted to see not with this two annoying brother of mine! Napangiwi ako.

"Baby, alam naming miss mo na si Dad pero huwag mo namang ipahalata sa amin na hindi mo kami na miss. Masakit alam mo yun!" malambing na saad ni Sakie sabay pa cute pa sa akin.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon