Chapter 23

55 2 0
                                    

"Sigurado ka na ba?" tanong ni Kuya Jashiel.

Tumango ako sa tanong niya. Sigurado na talaga ako. Pinili kong pumasok sa school ngayon dahil ilang araw na akong absent.

Marami na rin akong na miss na lessons at pinili kung harapin ang problemang meron kami. It was never easy though. Lalo na hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakausap si Sieke.

Pinatunog ni Kuya ang sasakyan habang nakasunod siya sakin. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka pumasok na roon.

Nang makapasok ako sumunod si kuya Jashiel at binuksan ang pintuan ng driver seat. Tahimik lang siyang pumasok, isinara ang pintuan habang inaayos ang seatbelt.

Marahas siyang nag-buntong hininga bago pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang kaming pareho sa byahe. Walang ni isang nagsasalita. This is very...awkward.

"Uuwi na ako sa susunod na linggo."

Hindi ako umimik. Tahimik lang akong nakatingin habang pinagmamasdan ang mga palayan at maisan sa labas.

"Nag-usap na rin kami nila Dad." pagpapatuloy niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Aeya, nakikinig ka ba?" saad niya makalipas ang ilang minuto nang hindi ko pa rin siya pinapansin.

Sinulyapan ko siya.

"Nakikinig ako kuya."sabi ko saka ulit binalik ang tingin sa labas.

Sinulyapan niya rin ako bago ulit binalik ang tingin sa harapan. He shifted the steering wheel on the left side. Nakita ko na rin ang malaking semento sa gilid na may nakasulat sa taas na "Welcome to La Casta."

Papalabas na pala kami. Masyado akong naaliw sa pagmamasid ng mga palayan at maisan sa labas at hindi ko na namalayan ang mabato at lubak lubak na daan patungong bayan.

"As  what I'm saying. Nag-usap na kami nila Dad at gusto niyang sumama ka sakin patungong manila."

That was caught my attention. What?

"Hindi ako sasama sa manila kuya." malamig kong saad kay Kuya Jashiel habang nakatingin pa rin sa harapan.

Nag-kibit balikat siya.

"Talk to Dad, then."

Tumingin ako sa kanya. Medyo naluluha na ang aking mga mata.

"Kuya hindi ako sasama sa manila." mahina at ulit kong saad.

Hindi siya nagsalita.

"Kuya...please." nag-mamakaawa kong sabi.

I never planned to go there. I bit my lower lip to stop the tears from fallin. They want me to go to manila and then what? They want me to leave Sieke here alone? I told Sieke I'll never leave him and I need to keep that promise...

"Kuya..." tawag pansin ko sa kanya.

Hindi niya man lang ako sinulyapan ng tingin nang tawagin ko siya. Tila  nagbibingi-bingihan lang ito at wala talagang balak na pansinin ako.

Sinandal ko ang katawan ko sa likod ng upuan ng passenger seat habang nakatingin sa harapan at pinagmamasdan lang ang daan patungo sa aming paaralan.

Maraming mga sasakyan rin ang nadaraanan at nakakasalubong namin na pinagtuunan ko lalo nang pansin.

Binalik ko ang tingin sa gilid at napansin ko ang nakatayong pamilyar na lalaki habang may kausap itong isa pang lalaki. Tila'y mas matanda ito sa kanya ng ilang taon dahil sa kanyang salamin.

Saglit ko lang silang sinulyapan dahil mabilis ang patakbo ni Kuya Jashiel. Nang binalik ko ang tingin sa kanila mula sa likod. Paalis na ang lalaki habang nakatayo naman roon ang pamilyar na lalaki habang tinitignan siyang makaalis. Sigurado akong si Sieke iyon.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon