Chapter 11

67 3 0
                                    

"Aalis ka na?" malungkot kung saad habang yakap yakap si kuya Jashiel sa kanyang tagiliran.

Nakaakbay siya sakin habang nakayakap naman ako sa kanya. He looked at me and ruffled my hair. Napasimangot ako sa kanya.

"Kuya..." reklamo ko.

He just laughed and embrace me more tightly.

"I will miss you." he softly said.

"I will miss you too kuya." malambing kong saad.

Humalakhak siya. Nang makita kami ni Kuya Sakie sa ganoong posisyon habang pababa ng hagdan at buhat buhat ang malaking bag ni Kuya Jashiel. Napangiti ito at napailing na lang.

"Ba't kasi ikaw pa ang aalis? Di na lang siya." pabirong saad ko sabay nguso kay Sakie. 

Ikinahalakhak ni kuya Jashiel iyon. Pabirong inirapan lang naman ako ng isa kong Kuya. Bago dumiretso na sa paglalagay ng malaking bag ni kuya.
I gigled when I saw his reaction.

"I have a lot of things to do baby. Pero babalik ako kapag natapos ko na ang mga gagawin." paliwanag niya sa akin.

Kahit na napipilitan ay pinilit ko pa ring tumango. Alam ko kung gaano kaayaw ni kuya na umalis dito sa probinsya. Kung hindi lang siguro sa mga gagawin niya ay baka nandito pa rin siya.

Kumalas ako sa yakap niya, at pinakawalan rin naman niya ako.

"I have to go now." saad niya sakin habang nakatingin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nandoon na rin sa hagdan sila Nana, mommy at daddy, pati si kuya Jaz na pinapanood lang kaming magkapatid.

Si kuya Sakie ay nakasandal at tahimik na nakahalukipkip habang pinapanood kami sa likod ng kotse kung saan niya nilagay ang mga gamit ni kuya Jashiel.

Dahan dahan akong tumango at pilit na ngumiti. For the second time, he ruffled my hair again and hugged me tight...

"Ingat ka kuya. I love you." mahina at malambing kong saad.

He chuckled. Kumalma ako at huminga ng malalim.

"That's the reason why this is so hard for me, Aeya. Alam ko kung paano ka magmahal."

Nagulat ako sa sinabi niya. Unti unti akong umahon. Pinalis niya ang luhang tira sa aking pisngi. He smiled. His eyes and nose were red but still he looked like a ruthless beauty.

"Remember when I told you then?" he whispered.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya.

"It's still the same, Aeya. Nothing has changed. For me, nobody could ever deserve you."

I swallowed hard. He chuckled more and pinched my nose.

"Aalis na po ako." paalam ni kuya ng bumaling siya kila Mommy at Daddy.

Lumapit si kuya sa kanila. Niyakap lang siya ng mahigpit ni mommy at si daddy ay tinapik lang siya sa balikat.

Si Nana naman ay niyakap rin si kuya kagaya ng ginawa ni mommy. Nagtanguan lang naman si kuya Jaz at Kuya Jashiel.

"Mag iingat ka roon Apo." saad ni Nana na ikinatango lang ni kuya.

"Sakie." tawag pansin ni kuya Jashiel.

Tumango lang naman ito.

"We will take care of her." saad niya.

"Good. Atleast mapapanatag ako." dagdag niya pang saad.

Kuya Jashiel kissed me on my cheek.

"I'll be back okay? I just need to fix things." He paused and looked to our parents once again and then back to kuya Sakie and kuya Jazrael.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon