Chapter 26

70 2 0
                                    

How can I let go of him? If I love him this much..

Unti unti akong tumango. Unti unti kong naintindihan ang sinabi niya. Ayaw na niya...

Pinunasan ko ang kanina pang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Pilit akong ngumiti. He's just looking at me. Dahan dahan akong umatras. Handa na para umalis. Umuwang ang kanyang labi, pero tumiklop rin.

Tumalikod ako kahit na masakit. Kahit na ayaw ko...dahan dahan akong naglakad papalayo mula sa kanya. Pero bago iyon humarap ako ulit sa kanya at nagsalita.

"Maybe, when the time is right....you will find me again...someday!" kahit na nasasaktan ngumiti pa ring saad ko.

Tinignan ko siya at tuluyan ng nagpasyang umalis sa harapan niya.  Maybe, this would be better, huh?

Siguro kung pipiliin naming umalis sa buhay ng isa't isa wala ng magkakasakitan pa.

Pagtalikod ko mula sa kanya nagsimulang bumagsak ang luha ko kagaya ng mga patak ng ulan na nararamdaman ko sa aking balat.

Mapait akong ngumiti. Pati ang langit nakikiramay sa sakit na nararamdaman ko.

Patuloy ang pagbagsak ng luha ko. Habang humahakbang ako papalayo  unti unting bumibigat ang dibdib ko. Tila bang may patalim na sumasaksak sa puso ko dahil sa sobrang sakit nito.

Hirap na hirap akong makahinga. Gustong gusto kong humarap ulit at tumakbo papunta sa kanya pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Kagaya ng pagtulo ng luha sa mga pisngi ko. Ganoon rin ang ulan  patuloy rin ito sa pagbagsak hanggang sa palakas ito ng palakas.

Nang makababa na ako sa itaas ng burol ay tumigil ako. Kumapit sa bakal na hawakan sa gilid.

Hinawakan ko dibdib kung saan nakatapat ang puso ko. Tuloy tuloy ang buhos ng ulan. Ganoon rin ang pagbagsak ng mga luha ko.

Tumingin ako sa langit. Makulimlim ito. Naramdaman ko ang patak ng ulan sa aking mga mata. Kahit na nababasa na ako'y wala akong paki-alam.

Gusto ko lang matanggal ang sakit na nandito sa dibdib ko. I cried so hard. I cried until it'll lessen the pain.

Pwede kang mabigo pero bakit marami pa ring nagbabaka sakali? Kasi worth it pag sumaya ka. Kahit ilang beses kang mabigo kung sasaya ka naman sa huli hindi mo na iyon iindahin. Kaya maraming sumusugal. Kaya maraming nagbabaka sakali.

Pero, bakit kahit anong iyak ko...ang sakit sakit pa rin?

Bakit? Bakit hindi mo pinaglaban? Bakit pinili mo na lang na bitawan? Bakit parang ang dali lang para sayo ang lahat? Bakit hinayaan mo na lang na mawala lahat?

Iyan ang mga katagang gustong gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko kaya. Dahil nang matapos niyang sabihin sa akin lahat na tila bang ang dali lang sa kanyang bitawan ako.

Nawalan ako ng lakas. Nanghina ako. Wala man lang babala. Ni hindi man lang ako nakapaghanda.

Ilang minuto pa akong nakatayo roon habang umiiyak at patuloy ang pagbuhos ng ulan. Kahit na basang basa ako hindi ako umalis roon. Nanatili ako roon. Naghihintay sa kanya...

Napapikit ako ng masilaw sa headlights ng sasakyang paparating. Naitapat ko ang dalawang kamay ko sa aking mga mata upang hindi masilaw. Nang papalapit ito agaran kong nakita ang dalawang pamilyar na mukha sa akin. I-pi-nark nila sa harapan ko ang sasakyan ng tumigil ito.

Naunang lumabas si Kuya Jaz na galing sa passenger seat at may dala dalang payong tsaka jacket bago nagtungo sa akin. Sumunod naman si Kuya Sakie na galing mismo sa driver seat.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon