Chapter 15

77 2 0
                                    

Nasa kiosk kami ngayon, nag-uusap-usap. Hindi pa ganoon ka higpit ang schedule dahil kakasimula lang ng pasukan. I was about to say something when a classmate came to us.

"Ugh...Aeya."

Napabaling ako sa bago kong seatmate for 1st semester class this year we were paired by twos. Ewan ko ba college na kami pero may sitting arrangement pa rin. Hindi na tuloy kami katabi ni Annie pero nasa likod ko naman siya kaya ayos lang.

"Oh...Ara."

Napatingin ako sa mga hand-outs sa kamay niya. May kukunin nga pala kami na hand-outs para sa requirements sa ArtEd. Nagulat ako dahil kinuha niya na. Her hand was shaking and her eye glass falling off her nose.

Nagtatawanan sila Mike sa tabi. Napasulyap ako at nakitang may iba naman silang topic pero pakiramdam ko akala ni Ara siya ang tinatawanan nila.

"D-dala ko iyong, sayo. Ibibigay ko sana o sa classroom na lang?"

"Nako, nag abala ka pa. Kunin ko na lang. Salamat! Next time, babawi ako."

"Walang problema, Aeya."

"Thank you!" sabay kuha ko.

"Walang anuman." she said very nervously.

"Nerd." I heard someone from our group said.

Paglingon ko kina Mike. Umalis na si Ara, nagmamadali.

"Huwag n'yo naman awayin. Bagong seatmate ko iyon."

Nakita kong umirap ang isang ka klase na ,si Alina.

"For all we know, kaya ka niya nilalapitan Aeya because she want it to belong to our group..." si Alina na hindi ko alam kong anong pinaglalaban.

"Yeah..." segunda agad ni Charie.

"As far as I know everyone wants to be friend with you Aeya. Your popular, rich, smart and beautiful, kaya naman lahat sayo naiinggit. But always remember nasa magkaibang status tayo."

Napakunot ako ng noo. Bumaling ako kay Annie at nagkatinginan kami. Parehong hindi sang-ayon dahil sa kanilang mga inaasal.

Base sa nakita ko kanina hindi nagkakaisa ang mga batch namin. Ganoon din sa ibang batch.We didn't have the poor students in our batch if their are party.

Ang mga kaibigan din ni Sieke ay purong ka-estado niya. Not that it matters but I noticed how although  he seems to be friends with the rich boy-classmates they don't include him to their fancy events.

Napansin ko rin ang iibang mayaman sa ibang mga batch at mas lalo kung napansin kung gaano sila ka divided  based on their social status. I suddenly remember Kuya Jashiel, Kuya Sakie, and Kuya Jazrael. Maybe it's that way for the older batches, huh?

But for me, it's okay to include the others eventhough they aren't rich like us. Wala naman sa akin ang kung anuman ang status mo sa buhay. As long as you are true to me, will clicked.

"Aeya." isang pamilyar na boses ang nagpatahimik sa lahat.

Naestatwa ako nang nakita si Jm papalapit sa kiosk namin. His brows were furrowed as he looked at the kiosk where we are.

Napansin ko rin na tumahimik ang nasa gilid naming kiosk kung saan nakita ko ang mga kaibigan ni Jm na nandoon. Kuryosong nakatingin sa amin at pati na rin si Kuya Jaz na kasama sila Levine at malamig kaming tinitigan. Nakarinig ako ng ibang sipol galing sa kanilang kiosk.

"Ayan na! Dumidiskarte na." narinig naming sabi pa ng isa kahit na mahina naman iyon.

"Gago. Nandyan ang Kuya."

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon