Chapter 8

77 3 0
                                    

Sinunod nga ni Mang Kanor ang utos ni Nana. Hinatid niya nga kami sa manggahan. Hindi ko alam kung bakit habang nasa byahe'y kinakabahan ako.

Dahil siguro'y first time kung pumunta sa kanila? I am wondering what is his doing every weekend? Hindi kaya busy siya at baka nakakaistorbo lang ako?

Pero possibleng busy siya dahil ang alam ko lang na pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang kanyang pag aaral at tanging paglalako ng fresh na isda sa palengke at higit pa doon ay wala na.

Ilang minuto pa ang binyahe namin bago makarating sa manggahan na sinabi ni Lola Ising.

Dito sa buong La Casta tanging ang manggahang meron lang naman ay sa mga Pillar, kaya hindi na gaanong nawawala ang mga tiga karatig bayan na gustong magpunta rito.

Isa rin kasi ito sa pinakamalaking kuhanan ng mangga ng mga negosyante na naga-angkat para ibenta sa mga syudad.

Pagkatigil ng sasakyan ay hindi na muna ako bumaba. Hinarap ko si Nana na nakatingin sa akin at sa tingin ko'y kanina niya pa pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa tingin ko'y malalagot ako kila mommy kapag nalaman nila ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Go on, hija. Hindi ko sasabihin sa Mommy mo." paninigurado ni Nana sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Tila'y nabuhayan ako ng loob sa kanyang sinabi.

"Talaga po?"

Tumango siya bago sumagot.

"Hindi kita hahadlangan sa gusto mong gawin apo. Palagi akong nandito para sayo." makahulugang sabi ni Nana.

Dahil sa kagalakan ay lumapit agad ako para yumakap. Mahinhing tumawa naman siya dahil sa ginawa ko.

"Choose what makes you happy, apo!"

Tumatak ang sinabi niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya... Kaya, kahit ilang taon na ang lumipas palagi ko pa ring sinasabi sa sarili ko na piliin kung anong makakapagpasaya sakin.

Bumaba na ako sa sasakyan para mapuntahan kung nasaan man si Sieke. Pagkatapos kong magpaalam kila Nana ay agaran ring naman silang umalis.

Naglalakad ako papasok patungo sa mga naglalakihang mangga na punong puno ng bunga. Nagagalak akong makita ang mga nakalambitin nitong bunga sa kanyang mga sanga. Parang ang sarap pumitas kaso alam kong hindi pa naman ito hinog.

Habang papalayo ng papalayo ang aking paglalakad na sa tingin ko'y nasa gitna na ako ng manggahan ay nakarinig ako ng nagsisibak ng kahoy di kalayuan sa akin. Lumapit pa ako ng konti at nakita ko na ang kanina ko pang hinahanap.

Nakatalikod siya sa akin at kitang kita ko ang kanyang hubog ng katawan mula sa likod na puno ng tagatak ng pawis galing sa pagsisibak ng kahoy.

Humahanga talaga ako sa perpektong pagkakahulma ng kanyang katawan. Siya lang ang tanging kaisa-isahang lalaking nakita kong ganito ang klaseng hubog ng katawan.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang pagperpekto ng katawan niya. Hindi ko rin maiwasang isipin ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya dahil rito.

Nang sa tingin ko'y maramdaman niya ang presensiya ko ay tumingin siya likod at nagtagpo ang aming mga mata. Bahagya ring napakunot ang kanyang noo, tila'y hindi makapaniwala sa nakikita.

Tumutulo rin ang pawis mula sa kanyang noo patungo sa dibdib. Tumayo siya at kinuha ang bimpo sa gilid kung saan niya ito sinabit sa may mangga at bumaling sa akin. Nagtaas siya ng kilay.

"What are you doing here?" matigas na ingles niyang saad.

Siya lang rin ang kilala kong naglalako ng isda at nagsisibak ng kahoy na lalaki na inglesero.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon