Chapter 6

83 3 0
                                    

"Pumunta ka raw sa room sabi ni Zaiyah?"

Tanong ni Kuya Jaz ng makita akong nakahiga sa sofa at nanonood ng TV kasama si Kuya Sakie.

Pagkarating na pagkarating niya ito agad ang ibubungad sakin matapos umuwi? At sinong Zaiyah? Iyong babaeng nakausap ko ba kanina?

Nang makita ni Kuya Sakie na nag uusap kaming dalawa ni Kuya Jaz ay bigla niyang pinahinaan ang Volume ng TV. Siya kasi ang nakahawak ng remote at ako naman ay kumakain lang ng popcorn na nakalapag sa harapan ng mesa.

"Zaiyah?"

Sumingit si kuya Sakie sa usapan. Napatingin kaming dalawa ni Kuya Jaz sa kanya na umuupo sa paanan ko sa dulo ng sofa ng banggitin niya ang pangalang iyon.

"Kilala mo kuya?" naunahan ako ni Kuya Jaz na magtanong.

Kumunot ang noo niya habang may inaalala.

"Ugh. No. I just heard it from somewhere." he said and then shurgged.

Matapos ang ilang segundong katahimikan ay ibinalik niya ulit ang atensyon sa pinapanood.

Nagkibit balikat ako. Kumukuha ulit ng popcorn pero wala na akong makuha dahil wala na pala ito roon at hawak na ni kuya Jaz. Kinuha sa kanya ang bowl ng popcorn na hawak hawak na niya.

"Kuya. Kumuha ka ng popcorn doon sa kusina huwag mong kunin ang popcorn ko." saad ko at saka nilayo sa kanya ang popcorn.

Pagkatapos ay humiga ulit at ipinatong ang dalawang paa ko sa mga hita niya.

"Ang damot naman baby." pang asar ni Kuya Jaz sa akin.

Inirapan ko siya at sumubo na lang ulit ng popcorn. He just laughed.
Katahimikan ang namayani sa amin ng itinuon na rin ni Kuya Jaz ang panonood ng basketball sa TV.

Hindi ko talaga ma gets kung bakit lahat ng lalaki ay paborito ang basketball. Ni wala naman sa tingin kong nakakaengganyo sa larong iyon. Nakakatuwa lang naman kapag nakakashoot ang playerbpero bukod sa lahat wala na.

Tuwang tuwa si kuya Sakie at pumalakpak pa ng maka-shoot ang paborito niyang star player sa isang team.

"Nice." rinig ko ring sabi ni Kuya Jaz.

Napailing ako at napairap. Lamang kasi ng tatlong puntos ang kabilang team sa kalaban kaya naman ang dalawa kong kuya sa tabi'y halata ang pagkatuwa.

"Si Kuya Jashiel pala kuya?" pang iistorbo ko sa kanilang dalawa.

Walang sumagot ni isa sa kanila. Kumunot ang noo ko. Agaran akong bumaling kay Kuya Sakie.

"Kuya Sakie." inis na tawag pansin ko sa kanya.

"Oh?" walang gana niya lang akong sinagot.

Sumigaw siya ulit ng makapuntos na naman ang team niya. Naririndi na ako sa sigaw niya ha. Ngumiwi ako sa lakas ng hiyaw niya.

"Si Kuya Jashiel?" tanong ko ulit.

"Nasa mga Medrano." tipid niya lang na sagot bago ibinalik na ulit ang atensyon sa panonood.

Hindi na ako umimik matapos noon. Nag usap na rin naman iyong dalawang Kuya ko tungkol sa basketball na pinapanood nila. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Kaya ng makitang wala ng laman ang bowl ng popcorn na kinakain ko. Tumayo na ako para pumuntang kusina para kumuha ulit.

Binuksan ko ang takip ng kaserola na ginamit ni Manang Letty kung saan siya nagluto ng popcorn kanina. Nang makitang ubos na ang laman nito.  Napasimangot ako.

Inilapag ko na lang sa lababo ang pinagkainan pati na rin ang basong pinag-inuman ko ng juice.

Pagbalik ko sa sala. Natutuwa pa rin silang nanonood at sinisingit ang laro sa pakikipag usap. Nagkibit balikat ako at dumiretso na lang patungong kwarto.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon