Chapter 10

76 2 0
                                    

Natuloy nga ang pakain ni kuya Jashiel para sa kaarawan niya ngayong araw lalo pa silang natuwa dahil dalawa ang ice-celebrate nila.Ang pagkapanalo kanina sa liga ng basketball at ang kaarawan niya.

Nauna na kami ni Annie na mag paalam sa kanila dahil hindi ko na mahintay na makipagdaldalan pa ang mga kuya ko.

Kaya naman nagpasya akong mauuna at ayaw pa sana ni Annie na sumama kaso wala na siyang nagawa kundi sumunod dahil iiwan ko talaga siya kung hindi siya susunod.

Pagkarating palang namin dito sa bahay ay nakaayos na ang lamesa at videoke na alam kong nirentahan pa nila mommy dahil request ito ni kuya.

Makapal na usok ang bumungad sa amin. Sumusuot sila sa bintana kaya kita ko ang naglulutangang alikabok kasabay ng lumalalim na gabi.

Narito kami ngayon sa kwarto ko upang magbihis ng damit. Basang basa ang damit ko at ayokong matuyuan dahil sa pawis. Habang nagbibihis ako ay humiga si Annie sa kama ko.

"Alam mo..." saad niya.

Kitang kita ko ang mukha niya sa salamin hindi ko siya sinulyapan man lang ng tingin habang siya ay nagsasalita.

Nakaharap kasi ako sa cabinet na may salamin dito sa loob ng kwarto samantalang siya ay nakahiga sa kama

"Crush ka talaga ni Sieke sigurado ako."

Napabaling ang atensyon ko sa kanya kaya naman napatingin tuloy ako dahil sa sinabi niya. Paano naman niya iyon nasabi?

"Ibang klase iyong tingin niya sayo kung makatingin siya ay parang hinuhubaran ka na niya." saad niya matapos humalakhak.

Namula ata ako dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga itong babaeng ito, walang preno ang bibig. Marinig lang siya ni kuya Jaz at makita niya.

"Annie." Suway ko sa kanya.

"Ano?"

Natatawa tawa niyang saad.

"Pero seryoso kasi ako. Sigurado akong crush ka ni Sieke Miranda."

Napailing ako sa sinabi niya. How can she be so sure? But she's Annie, may pagkaloka loka man iyang bestfriend ko pero magaling iyan magmasid. Minsan lahat ng nakikita niya kahit wala pang ebidensya ay totoo na.

"The way he look at you it tells everything Aeya. Hindi man niya aminin pero ramdam ko na may gusto siya sayo. Sa simpleng paghawak niya pa lang sayo kanina, ang gentle parang natatakot siyang hawakan ka at baka mabasag ka."

Natulala ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita. Dahil ano nga bang sasabihin ko? Na merong namamagitan sa amin kahit ako lang naman itong assumera?

Pero meron nga ba? Sa ilang buwan naming magkasama possible nga bang magustuhan niya rin ako? Impossible diba?

Pero, ano iyong paghalik niya sa akin sa burol? Anong ibig sabihin noon? And...that is my first time, his my first kiss.Is it just a friendly kiss? Friendly kiss my ass!

"At matagal ko na rin itong napapansin palagi sa school. Aeya, palagi siyang nandoon tinititigan ka sa malayo."

Hindi pa rin ako nagsasalita sa mga sinasabi ni Annie. Hindi ako naniniwalang may gusto siya sakin. He has a lot of girls...dati nahuli ko pa nga siyang may kahalikang babae sa kiosk.

Minsan napagkasunduan naming magkita sa park ng mga ka groupmates ko para sa isang activity pero nandatnan ko si Sieke na may kasamang iba hindi iyong babaeng kahalikan niya dati sa kiosk...hindi ko na iisa isahin dahil alam kong marami talaga.

Pero matagal na iyon hindi pa kami close. Kaya iyon ang dahilan kong bakit iniiwasan ko siya noon dahil alam ko ang reputasyon niya sa mga babae, his a womanizer..but I can't say it now, maybe he change?

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon