Chapter 17

74 3 0
                                    

"So, how was it?"

Annie asked when I came near her and then hugged her. It was an exhausting day for us.

"Fine." tipid kong sagot habang yakap yakap pa rin siya.

Narito kami ngayon sa parking lot, kung saan siya nag hintay sa akin.

"Tapos na ba lahat?" she asked again.

Lumayo ako sa kanyang yakap at tumango habang naka simangot.  Katatapos lang nang exam namin para sa midterm at parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod para sa lahat.

"I'm so tired. Gusto ko na lang humilata sa kama at matulog para akong drain na drain." reklamo ko sa kanya.

Napangiti lang siya at umiling iling. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso.

"You know what, the exam is over and what we're going have to do now is make fun relax and chill because finally after the exhausting week we can do want we want,m right? So, what about movie marathon for tonight? hmm..." she said, then wiggled her eyebrows.

Ako naman ngayon ang napailing dahil sa kanyang sinabi. Ang hyper niya pa rin! Hindi ba ito napapagod?

"I can't...I just want to sleep." saad ko.

Umirap siya.

"Kj! Oh...please, Aedriel Yastine, pumayag ka na, nakapag paalam na ako kay Mommy, na sa bahay niyo ako matulog. Isama natin si Marien."

Inirapan ko siya.

"Ang sabihin mo, you just want to see Kuya Jaz kaya gusto mo sa bahay matutulog. Guguyo ka pa eh." saad ko.

Humalakhak siya at hindi na nagsalita dahil sa sinabi ko.

"Tama ako no?" pang-gigiit ko.

"You know me!" she said and winked at me.

Hindi ko talaga siya maintindihan.  Ang bilis niya magbago ng mood.  Minsan sinasabi niya sa akin na ayaw na niya si Kuya Jaz pero bumabalik pa rin naman ang pagkagusto niya sa kanya. But, oh well...that's the last thing I need to care.

"Please, Aeya. Wala akong kasama sa bahay si Manang lang at sobrang bored ako, you know." pamimilit niya pa sakin.

Umiling ako. Hindi pa rin pumapayag sa kanyang sinasabi.

"Si Manang lang kasama mo? Where's Tita and Tito?" I asked.

"Business trip." matipid niyang sabi.

Tumango ako at hindi na nagsalita. Patuloy pa rin ang pamimilit niya sa akin. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Maraming estudyante ang nagkalat.

Kaya nabigla ako ng makarinig ng eskandalong sigaw habang kaming dalawa ni Annie ay nakatayo roon.  Napatigil tuloy kami sa pag-uusap at napatingin roon kagaya ng ibang estudyante.

It was a group. Nagku-kwentuhan sila at nagtatawanan. Isa sa kanila may hawak ng gitara. May kumakanta at may isa na walang tigil sa pagtawa.

Hindi ko alam kung ano ang tinatawanan nila. It seems really amusing for him to laugh like that.

"Nakikinig kaba?"

Nang bumaling ang tingin ko kay Annie. Nakakunot na ang dalawa niyang kilay.

"Huh?" Tanong ko.

Umirap siya.

"I am asking you about the Movie Marathon Aeya. Pumayag ka na kasi." pamimilit niya pa rin.

Bumuntong hininga ako. Hindi pa rin pala siya tapos roon?

"Fine. " I said.

She giggled. Lumayo siya sa akin at agarang kinuha ang cellphone. Tuwang tuwa si Annie dahil pumayag ako.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon