Chapter 20

70 2 0
                                    

I smiled fakely to the people downstairs. Hindi ako sanay sa ganitong mga okasyon. Gusto ko ay simple lang.

Pero dahil request ito ni Nana at dumating pa ang ibang mga Tito at Tita ko galing ibang bansa. Kailangan talagang bongga. Hindi naman ito sobrang bongga gaya ng mga ibang okasyon. But, still...

Inilibot ko ang paningin ko sa mga taong dumalo ngayong araw na ito. Most of my classmates are here.  Talking and laughing around their tables. Nandito rin ang ibang kaibigan nila Kuya. And also some known politicians, friends and relatives of my family.

Pinadiretso at pinaupo nila ako sa gitna nang makarating ako sa baba kung nasaan lahat ng guest. May kaunting programme pa kasi silang hinanda para sakin. Kaya naman wala na akong nagawa kundi sumang-ayon na lang sa kanila.

Pinagmamasdan ko lang ang mga taong nasa harapan ko. Habang nakaupo at nakikinig sila sa sinasabi ng host na bading. Tumawa ang mga guest nang may sinabi itong nakakatawa. Napangiti lang naman ako.

Narinig kung tinatawag ng bading na host sila Daddy at Mommy. Pati na rin ang mga kapatid ko upang magbigay ng mga mensahe. Isa isa silang nagsalita sa harapan.

Tahimik lang naman akong nakikinig. Minsan napapangiti at tumatawa sa sinasabi nila. Si Kuya Sakie na ang nagsasalita sa harap. May lumapit kay Dad at narinig ko siya sa tabi ko.

"Handa na ba ang big Screen?"

Narinig kong tanong ni Daddy sa isang kasambahay.

"Big screen Dad?"

"Oo. Ipapakita ang pictures at video mo, Aeya. Syempre gusto ring makita ng mga bisita iyon."

I remember my pictures from the official photographer. My lips parted and my hand immediately flew to my mouth.

Namamanhid na ako. Kinakabahan para sa ipapalabas na video mamaya sa big screen. Wala akong maramdaman. I think my soul got lost or something. Para akong mahihimatay nang binanggit ako ni Kuya Jashiel.

Kuya Jashiel looked at me twiced before he noticed. Nagpalakpakan ang mga bisita na naka semi-formal na damit habang nakaupo sa mga nakalatag na round tables.

"Smile, Aeya."

It's worst because my smile probably looked constipated. Laking ginhawa ko nang naupo na kami sa lamesa.

"Samahan niyo ang kapatid niyo sa pagbati sa mga bisita." bilin ni Mommy sa amin ni Kuya Jashiel pagkatapos ng speech.

My horror was screaming inside my head as Kuya Jashiel agreed. Sinerve na ang pagkain ng tumayo kami. Uminit ang pisngi ko ng pagtayo ko.  Nakita ko si Sieke sa malapit na lamesa.

Nakatingin na siya sa akin nang natanaw ko siya. He tore his eyes off me and drink on his glass of water. Tumikhim ako at sumunod na kay Kuya Jashiel at kay Dad. We shook hands to the visitors at nagpasalamat na rin sa mga dumalo.

I can't pinpoint what is it that I'm feeling. While walking towards the tables. I feel like I'm floating in the air knowing that somehow Sieke is watching me from where he is.
Lumapit si Maribel ng mapansing medyo nainitan ako.

"Ayos lang, Maribel."

It was actually late in the afternoon and the sun isn't fiery anymore. Talagang ninenerbyos lang ako.

Sa pinakagilid ay nakita ko si Sieke na titig na titig sa akin mula rito sa kinaroroonan ko. I saw him watching me and he smiled a little bit. Nanginginig ang labi ko ng pinilit kong ngumiti.

While the food was served. Sa big screen naman nagsimula na ang presentation at nang mga pictures.

"Ganda mo, Miss Aeya." sabi nang isang bisita.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon