Chapter 37

76 3 0
                                    

I suddenly realized how awkward it must be for Kuya Sakie to see me with Sieke. Mabuti na lang at hindi naman siya nagtanong kong bakit kami magkasama.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kung sakaling tatanungin niya kung bakit kami magkasama.

"Umuwi tayo ng maaga, Aeya. I missed you and there's so much to talk about." si Kuya Sakie.

Katatapos lang nilang mag-kwentuhan ni Sieke tungkol sa nalalapit na reunion ng batch nila. Nasabi rin ni Kuya na aalis siya kaagad pagkatapos ng reunion dahil may iniwang trabaho.

Hindi ko nga alam kung bakit dito sa manila naisipang mag-reunion. Siguro, dahil karamihan sa kanilang batch na mga tiga La Casta ay narito.

"Okay..." napipilitang sang-ayon ko kay Kuya.

Umiwas ako ng tingin bago kinuha ang basong may laman ng tubig at uminom.

"Ikaw, Sieke? Pupunta ka pa ba sa meeting pagkatapos dito?"

"Hindi. Uuwi na rin ako." si Sieke.

Hindi ko alam na may meeting pala si Sieke. At anong meeting ba itong pinag-uusapan nila? Sa reunion ba?
Nag ngising aso si Kuya nang tumingin kay Sieke.

"Talaga? Inaasahan ka nila Jean roon. Hinahanap ka nga eh!"

Napatingin ako kay Kuya, medyo kuryoso na hinahanap pala si Sieke sa meeting na iyon. Gaano ba siya ka importante at hinahanap talaga siya?

"Daming naghahanap sayo roon. Nagsabi ngang bibisitahin ka sa inyo one of these days. Kinuwento nila sa akin na may malaking bahay ka na raw at gusto nilang bumisita roon. Big time ka na pala eh. Naku, ang dali dali na tuloy mag-uwi ng babae ngayon ah. Dahil may bahay ka na?"

Nagkatinginan kami ni Sieke. Uminom ako ulit sa baso ng tubig na nasa harap ko at tumahimik.

"Hindi ako interesadong magkaroon ng babae, Sakie."

Humagalpak si Kuya at binalewala ang sinabi ni Sieke nang bumaling sa akin.

"Ikaw, Aeya? Kumusta iyong boyfriend mong foreigner? Ano ba pangalan noon? Ashong ba? Ash? Ah,basta! Naalala ko, hindi ka pala makatulog dahil doon."

"K-kuya?" muntik ko nang maibuga ang iniinom na tubig.

"Ah, Si Ashton."

"H-hindi ko boyfriend si Ashton, kuya!"

"Ah? Hindi mo pa ba sinasagot? Akala ko sasagutin mo na?" he looked at me dead serious.

"Naku, hindi!" giit ko.

Mabuti na lang at hindi kami nagtagal. Sino ba naman kasi ang magtatagal kung ang bukambibig ni Kuya ay ang pagod niya.

Kung hindi tungkol sa mga manliligaw ko ang usapan, lagi namang niyang binabanggit na ang sarap nang magpahinga.

Sieke was then silently watching us and answers only when asked by Kuya Sakie. Nagdesisyon kami ni Sieke na umuwi na. Ihahatid niya ako kagaya ng madalas niyang ginagawa.

Narinig iyon ni Kuya Sakie at akala ko biglaan siyang magtatanong kung bakit pa ako ihahatid o sasabihin niyang huwag na dahil nariyan naman siya pero hindi. He stayed silent or maybe he didn't really hear it much.

Nauna ang sasakyan ko, kasunod ang Chevy ni Kuya Sakie at sa likod niya,kay Sieke. Eventually, I became very busy that night because of my brother's arrival.

Pagdating namin sa bahay wala pa ang sasakyan ni Kuya Jaz. Siguro nasa out of town pa at hindi ko alam kung kailan darating. Pinagbuksan kami ng pintuan ni Estera.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon