Chapter 30

69 2 0
                                    

"I heard, your going back in the Philippines?" tanong ni kuya Jashiel sakin pagka-uwi ko nang apartment.

Ano na naman bang ginagawa niya rito? Namimihasa na siyang labas masok dito sa apartment ko kahit kailan niya gusto.

Kausapin ko nga si Dani minsan at hilingin sa kanya na patago na niyang kunin ang susi ng apartment ko at ibigay niya sa akin para hindi basta bastang sumusulpot si Kuya.

Napairap ako.

"Yeah." maikli lamang kong sagot.

"Why?" he asked na lalo kung ikina-irap. Napabuntong hininga siya.

"Fine. I wouldn't ask you about that. Hindi na kita pakikialam kagaya ng ginawa ko sa'yo noon.You're in the right age maybe it's time to finally let you go." ngumuso ako dahil sa lambing ng kanyang boses.

"And besides, you have to go home, already. Para narin kung nais kang bisitahin nila Dad, malapit lang ang kanilang liliparin."

Pinag-isipan ko rin ang sinabi niya. I only find the chance of thinking about this now dahil noong tinatanong nila sa akin kung kailan ako babalik.

It always resulted to no with a head shake without even thinking about it. Para bang naka-autopilot ako sa mga sandaling iyon.

Siguro inisip nila na sana noon pa nila ako binilhan ng ticket para hindi na ako makatanggi tulad na lang ngayon. But still, I think I would have declined. I wouldn't have been ready, yet. Kung kakalkulahin, mas handa ako ngayon kesa noon.

Nagitla ako sa biglang pagtalon ni Mereen paakyat sa kandungan ko. My angel white persian cat then curled herself in my lap to hibernate against the cold weather.

"And happy birthday, Aeya!"

Ngumiti ako dahil sa lambing ng boses niya bago ako hinila at niyakap patungo sa kanya.

Marami pa kaming pinag-usapan at isa na doon ang pag-extend nila ng stay dito sa New York dahil sa trabaho. Humiga ako sa sofa habang hinihintay si Charlotte.

Ilang araw na lang at maiiwan ko ang mga pinaghirapan ko rito. Like this English roll-arm upholstered sofa. A reward to myself from my first pay check.

Nilipat ko si Mereen sa dibdib ko. She moved to adjust herself then curled again. Hinuli ko ang buntot niyang umangat tsaka ko iyon binaba. My cat sighed in comfort.

I was facing at the window na nakahawi ang manipis na kurtina kaya kitang kita ko ang pagbagsak ng niyebe sa labas. Masyadong nilandi ng New york ang winter ngayon. Lumapit ako sa bintana at kinalabit ang humarang na pendant light. Binaba ko si Mereen sa windowsill.

Ngumiyaw ito at tumalon, hindi yata trip ang mamahinga sa tabi ng bintana. Minsan may kaartehan din ang pusang ito...

Nahagip ko ang humintong cab sa tapat ng apartment ko. Nilabas nito si Charlotte na ang taas ng takong ng boots. Kinuha ko na ang aking Kate Spade bag at ang apartment key.

I scooped Mereen na nilalaro ang yarn at dinala siya sa kanyang cat house kung saan may hinanda na akong pagkain niya roon.

Lumabas ako ng apartment upang salubungin ang kaibigan sa hallway.

"You know what, my first impression of him, I thought he's a fuck boy who only thinks through his dick and not through his brains. But, he's sweet and smart. So unpridectable."

Tumawa ako habang pinasok namin ang revolving door ng building na pinagtatrabahuan na agency ni Charlotte. Kanina pa siya nagbabahagi sakin ng mga ka-sweetan ni Lauren. Malayo raw kasi ito sa mga ex's niyang niloko lang siya.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon