Chapter 2

128 2 0
                                    

Humikab ako habang nanonood ng tv at prenteng nakahiga lang dito sa sofa.

"Hindi ka ba sasama kay Nana sa palengke, Aeya?" Tanong ni Manang Letty.

"Ngayon ba siya pupunta manang?" Tanong ko rin pabalik.

"Oo eh, pinapatanong niya nga sakin kung sasama ka daw ba?"

"Ah, sige po. Pakisabi po kay Nana na maghintay saglit at magbibihis lang po ako." saad ko kay Manang Letty.

Tumango lang naman siya saka umalis. Nagmadali namanakong pumasok sa kwarto para makapagbihis ng matinong damit.Naka puting sando kasi ako at saka naka maikling shorts.

Kahit na pu-pwede na sana itong damit ko dahil mainit naman kaso baka pagalitan na naman ako ng mga Kuya ko.

Hindi nila kasi ako pinagsusuot ng ganitong klaseng damit lalo na pag nasa labas ako at baka daw mabastos pa ako!

Kaya naman kumuha na lang ako ng isang Maong shorts na hanggang tuhod ang haba at isang simpleng white t-shirt. Naglagay lang ako ng polbo sa mukha ko at sinuklay na rin ang buhok ko.

Nilagyan ko rin ng kaunting lipstick ang labi ko para naman magkaroon ng kulay ang maputla kung mukha. Pagkatapos noon ay lumabas na ako.

Saktong paglabas ko ay nandoon si Kuya kasama si JM. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya. Hindi pa rin maalis sa aking isipan na hinatid niya ako noong isang araw.

Tumango lang naman siya ng isang beses sa akin at hindi na muli akong tinignan.

"Oh! Aalis ka?" tanong ni Kuya habang may bahagyang nakakunot ang noo. Tumango lang ako

"Pupunta kaming palengke ni Nana. Sasamahan ko siya. Bored na ako rito eh." paliwanag ko.

"Need a ride, then?" he asked.

"Ah hindi na Kuya si Mang kanor ang maghahatid sa amin sa palengke."

Tumango lang naman siya at saka tinawag si manang para magpakuha ng meryenda at dalhin ito sa kanyang kwarto. Tinititigan ko lang silang dalawa habang paakyat mula sa hagdan papuntang kwarto.

Nakatayo pa rin ako roon at walang balak umalis. Napabuntong hininga ako ng makapasok na sila sa kwarto ni Kuya.

"Aalis na raw kayo, Aeya!" saad ni Manang Letty na nagpabalik sa akin sa huwesyo.

Tipid lang akong ngumiti at tumango bago umalis at nagtungong sasakyan.

Nilalakbay na namin ang daan patungong palengke. Hindi naman ito gaano kalayo pero kailangan pa rin ng sasakyan para makapunta roon. Wala rin kasing gaanong tricycle ang dumadaan rito.

Hindi kasi kami sa syudad nakatira kaya mahirap ang tricycle. Kung mag aarkila ka ng tricycle mula sa amin hanggang syudad ay mahal talaga.

Lubak lubak pa ang daanan patungo rito. Maraming tanim na puno at halaman sa gilid. Medyo magkakalayo rin ang kabahayan at walang mga streetlights sa gabi kaya medyo nakakatakot ring lumabas.

Kayang kayang tustusin ng parents ko ang aming pag aaral pati na rin ang ka pritso ko dahil sa pag-ta-trabaho nila. My dad is a Civil Engineer at nag-ta-trabaho ito sa isa sa malaking kumpanya sa Maynila. Ang Salvattera Firm Company kung saan ang Daddy ni JM ang namamahala rito.

Si Mommy naman ay isang Doctor sa isang pambublikong Hospital rito sa aming bayan. Apat kaming magkakapatid at ako ang bunso.

Pero dahil sa mga ari-arian ni Lolo at Lola ay isa ang pamilya namin na pinakamayaman dito sa La Casta. We have also a Rice Mill Plantation

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon