Chapter 12

74 2 0
                                    

Bumagal ang lakad ko nang napasulyap ako sa kiosk sa college building. Maraming naka business uniform roon.

Lagi naman pero sa ngayon, mukhang higher batch ang nandoon. Nag aaral ang lahat at mukhang naghahanda.

I stopped when I noticed a familiar person. Napaawang ang labi ko ng makita si Sieke, kunot noong nakatitig sa libro.

Muttering something under his breath as if memorizing. He licked his lips and slowly lifted his eyes. Napatingin siya sakin.

Unti unti akong humarap sa kanya. I didn't realize I was frowning this whole time so I loosened up and tried to stretch a smile.

The bell rang. Hudyat ng susunod na period. Nagsitayuan ang mga kasama niya. Tumayo si Sieke at unti unting inayos ang mga libro. Bumagsak ang mga balikat ko.

This school year, I don't see him much. Masyado na yata silang babad sa OJT at minsan na lang sa school. Hindi ko na tuloy napigilan ang pagtigil at pagtitig sa kanya ngayon.

"Tara na Sieke." may tumawag sa kanya.

"Saglit lang Jean."

Kung hindi niya napigilan ay nahulog ang iilang libro niya galing sa lamesa sa kiosk. Kinuha nong Jean ang iilang libro niya. Mabilis namang kinuha ni Sieke at agad na umalis sa kiosk. Bumaling siya sakin.

"Good luck...on your exam."

Mabilis na natapos ang taong iyon na walang gaanong interaksyon kay Sieke. It had been a very lonely year for me.

Christmas party sa school nang muli naming pagkikita ni Seike. It was a short meeting with him. I don't know why it made me lonelier though.

Dahil abala sa mga parlor games, iilan lang ang natira sa mga lamesa at upuan. Taon taon ginaganap ang party dito sa school sabayan pa ng foundation day kaya naman may pakain.

Sieke was on his seat. Nilapitan siya ng iilang mga ka klase para makipag kwentuhan at kamustahan. One of them the his girl classmate Jean. She seems to be almost always beside him. Like a confidante.

I triead my best to walk past the tables. Kunwari naglalakad lang pero kung mag isa si Sieke nilapitan na.

I busied myself on the buffet desserts. Kunwari na lang tinitignan ko kung marami pa iyon. After this, I'll walk back to my seat and stay silent.

"Kuha lang ako." narinig ko si Sieke.

"Sus."

"Mga galawan mo."

Tumigil ako sa lamesa at pabalik na sana nang nakaharap ko siya. He put a small dessert on his plate and then looked at me.

I glanced at his friends and saw them busy talking and laughing at each other. Si Jean nga lang, nasa amin ang mga mata.

"Happy holidays." bati ko at tinatagan ang loob para makabalik na lang sa inuupuan.

"Kumusta?" agap niya bago pa ako makaalis.

I smiled at bit. "Ayos lang. Ikaw?"

He smiled, too. "Ayos lang din. Medyo busy sa school."

I know it's true. He is busy with school but I don't know why my heart hurt so much. Bakit ganoon? Busy siya sa school pero lagi niya namang kasama ang mga kaklase?

For the first time in my life, I envy the life of a random person. Ako? Ba't parang...

"Ayos ka lang?" he asked.

Ngumiti ulit ako at tumango.

"May problema ba?" he asked again.

Umiling ako, hindi na maisatinig ang kahit ano. I opened my mouth to say something. My lips trembled. Itinawa ko iyon.

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon