Chapter 7

83 2 0
                                    

"Nabili mo na Mommy?" tanong ko ng dumating na si mommy at daddy sa bahay umagang umaga.

Galing silang maynila dahil natapos na ang appointment ni mommy doon at si daddy naman ay binigyan ng ilang araw para sa bakasyon.

Ang dalawang kuya ko ay nandito pa. Sa sabay na rin silang dalawa kay daddy kapag umuwi ito.

Ilang araw rin si mommy doon kaya sinamantala ko iyon para magpabili kay Mommy ng mga bagong damit at syempre, ang pinaka importante.

"Here. "

Nilapag ni mommy ang isang itim na paper bag. Agad ko itong kinuha. There's a fluttering feeling in my stomach as I opened the bag.

"What's that?'" Kuya Sakie asked.

Hindi ako sumagot. Inabala ko na lang ang mga sarili ko sa nakikita. Hindi ko alam alin ang uunahin ko. Kinuha ko ang gloss at lipstick.

"Make up?" Ani kuya sakie. "For what?"

Umirap na lang ako. Itong kapatid ko saan naman ilagagay ang make up? Obviously, sa mukha.

"Maglalagay ka niyan? Hindi ba ay bawal yan sa school?" Ususero niyang tanong.

Nilapag ni Mommy sa isang upuan sa aming lamesa ang sangkaterbang paper bag na maaring may lamang damit at kung ano ano pa. Si daddy ay nasa kwarto at nagpapahinga pa.

Ganoon rin si kuya Jaz na palaging nasa kwarto kapag wala siyang pasok. Si kuya Jashiel, ay hindi ko alam kung nasaan. Siguro'y nasa mga Medrano na naman.

"Hindi ito bawal Kuya. Maraming naglalagay nito." sabi ko at tumayo na para umakyat sa kwarto.

"Thanks My."

"Mommy dalaga na ang anak niyo. Hindi ata ako makakapayag nito. Marami akong babantayan! " narinig kong reklamong saad ni Kuya Sakie na tinawanan lang naman ni Mommy.

Napairap na lang ako. Nilagay ko sa tukador ang mga make up na dala ni mommy. Hindi pa ako gaanong marunong pero maglalagay ako ng gloss at kaonting blush-on ngayon. Siguro naman ay babagay sa akin ang kulay pink.

Sabado ngayon at pupunta ulit kami ni Nana sa palengke. Sasama ako dahil wala siyang kasama. May bibilhin kasi siyang gamot na nireseta ng doktor sa kanya noong nagpa check up siya.

Paniguradong daraan rin kami ngayon sa palengke upang bumili ng ulam para mamayang gabi. Nag request kasi si daddy ng inihaw na isda na garan namang sinang ayunan ng mga Kuya ko.

Nasa palengke si Sieke sigurado ako, dahil sa tuwing sabado ay siya ang pamalit ni Lola Ising na maglako sa palengke, kaya paniguradong doon rin kami bibili. Hindi ko maiwasang hindi masiyahan at kabahan.

Katatapos kung magbihis ng puting t-shirt at hinaluan ko ng maong na jumper short na umaabot hanggang tuhod nang makarinig ako ng katok mula sa aking pintuan.

Hindi na ako nag abalang buksan ito dahil pumihit na ang siradora para bumukas. Napairap ako ng makitang si Kuya Sakie. Nang nakita niya ako'y agad naningkit ang mga mata niya.

"Who gave you that idea now?" Tanong niya.

"Kuya open your mind. Ang mga seniors ay naglalagay na ng ganito."sabi ko.

"Seniors sila. Ikaw, freshmen pa lang Aeya." Iritado niyang sinabi.

"Ano naman ngayon? It's just lip gloss and a little blush on. What's wrong with that kuya?" Iritado ko ring tanong sa kanya.

"This is because you like someone from the higher year. And you think you'd grow faster with that thing on!"

"Well, aside from that. It's also for myself. I feel good wearing it. So, it's fine."

Oath For Love (Saltarian Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon