KABANATA 4

1.6K 46 0
                                    







"ANONG ginagawa mo rito? Mag-uumpisa na ang klase di ba? " tanong ni Homer.

Kasalukuyan kasi akong nasa tapat ng engineering building ngayon. Hinihintay kong lumabas si Hekairo. Pagkatapos kasi ng break namin ay sila naman. Sana ay lumabas siya ng room niya.

"P-pwede bang wag mo kong masyadong lapitan? Baka makita ako ng mga kagrupo mo, pagdiskitahan pa ako ng mga yon e. " naiilang na sabi ko habang nakatakip ang mukha ko ng libro.

Hanggat maaari ay gusto kong layuan niya ako. Hindi pwede at ayoko! Baka mamaya ay magkaroon pa kami ng issue.

"Baka nakakalimutan mo may utang na loob ka sakin. " naiinis niyang sabi.

Naiinis din akong humarap sa kanya.
"Mapapahamak pa ako sa ginagawa mo e! Ano bang gusto mo? " tanong ko.

Mabuti at hindi na ako gaanong nakakaramdam ng kaba at takot sa kanya. Napatunayan ko nang hindi niya ako magagawang saktan dahil sa ginawa niyang pagtatakip sakin.

"Pwede ba, alam ko kung kailan ako lalapit sa babae noh! Tsaka hindi ka pwedeng saktan ni Brix. " bigla siyang ngumisi.

"Bakit naman? "

"Syempre, konektado ka sakin. Sabihin ko lang na pinsan kita ay hindi ka na niya pagdidiskitahan e. Wag kang matakot hanggat nasa tabi mo ko. Okay? "

Ginulo niya pa ang buhok ko bago nakangiting umalis. Di naman ako makapaniwalang pinanood siya habang papalayo.

"Anong sinasabi ng lalaking yon? Hibang na ba siya? " mangha kong tanong sa sarili ko.

Inayos ko ang buhok ko at muling humarap sa building ng engineering. Nako naman! Baka hindi ko napansing nakalabas na pala siya dahil na kay Homer ang atensyon ko. Baliw talaga.

Naglakad na lang ako patungo sa engineering building. Pupuntahan ko na lang ang room niya kesa maghintay ako rito sa labas. Baka wala siyang balak mag-break dahil ilag siya sa grupo nina Brix. Hindi maganda to sa pananatili niya rito sa campus. Kung pwede lang kalabanin din sina Brix kaso kahit ako ay nanginginig sa takot pag nakikita sila.

"Ahm, excuse me. Andyan ba si Hekairo Corman? " tanong ko sa kaklase nitong kakalabas lang ng room.

"Nandon siya sa loob, miss. " sambit niya at nilagpasan na ako.

Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa pintuan at sumilip. Hinanap ko siya sa mga nakaupo at binggo! Kasalukuyan niyang inaaral ang subject niya.

Paano ko kaya siya tatawagin?

"Hey. Anong ginagawa mo dito? "

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Kuya. Dapat siya ang tinatanong ko ng ganyan di ba?

Kinakabahan akong humarap sa kanya at nag-angat ng tingin. Pakiramdam ko ay bumabara ang lalamunan ko.

"I repeat. What are you doing here, Allixem? " nakakunot na ang noo niya.
Tumikhim ako bago nagsalita.

"P-pupuntahan ko lang sana si Hekairo, kuya. " sagot ko.

Nawawalan ng pasensya siyang napasuklay sa buhok. Nahihiya ako sa mga students na napapadaan samin. Lumilingon sila at nag-uusisa.

"Seriously? Itataya mo ang klase para lang makita siya? " mangha niyang tanong.

Nagbaba ako ng tingin sa hiya. Napapalakas na ang boses niya at kinakain na ako ng lupa rito.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon