KABANATA 6

1.3K 37 2
                                    




TATLONG araw ko ng hindi nakikita si Hekairo Corman. Gusto ko mang mag krus ang landas namin ngunit alam kong napakalabong mangyari. Malayo ang building nila sa building namin.

"Balita ko aalis daw si Kuya Callix ah? Makakalaya ka na sa wakas! " masayang wika ni Roxanne.

Nandito kami sa isang bench sa gilid ng garden. Kaunti lang tao ngayon dahil may klase. Pero kami ay may free time pa kaya nakakatambay ng ganito.

"Wala ng bantay si AZ! After so many years! " dagdag pa ni Mitch.

Nagtawanan silang dalawa.

"Mas pinili niyang mag aral sa Canada. Exchange student. Payag pareho sina Mama't Papa. " malungkot kong sabi.

Kahit naman ganoon kahigpit si Kuya Callix sakin ay mahal ko pa rin siya. Mamimiss ko siya ng sobra kung sakali ngang matuloy ang alis niya pa-Canada.

"Bat ka nakabusangot dyan? Dapat ay magsaya tayo dahil wala ng magbabawal sayo. "

"Wala namang magsusumbong, AZ. Once na mag night out na tayo o gumala ay di niya malalaman. "

Excited silang dalawa sa pag-alis ni Kuya. Samantalang ako ay nalulungkot.

"Konsensya ko naman ang papatay sakin kung ganon. " sambit ko.

Napabuga ako ng maraming hangin. Naiipit ang hininga ko.

"Bakit daw ba kasi siya aalis? Ayaw niya ba sa pagtuturo dito? " tanong ni Mitch.

"Di ko alam. Di ko pa siya nakakausap tungkol dyan. "

Wala pa kaming matinong pag uusap ni Kuya Callix mula nang pagbawalan niya kong sumama kina Roxanne na mag bar. Nagtatampo pa rin kasi ako.

"Kayo ang magkasama sa bahay tapos di mo alam? "

"Hindi talaga. " nawawalan ng gana kong sabi.

Saglit pa kaming natahimik ngunit muling umingay.

"Baka naman may pupuntahan siya don? Wala pa kong nabalitaang nagka-girlfriend yan si Kuya Callix ah. Sobrang daming nagkakandarapa sa kanya dito. "

"Oo nga naman, AZ. Hindi kaya malambot yan si Kuya Callix?  Maraming na-link sa kanyang mga sikat at magandang babae. Hanggang ngayon ay single pa rin siya. "

Miski ako ay walang alam sa lovelife ni Kuya. Napakamisteryoso niya kahit sa amin. Sina Mama't Papa ay hindi niya rin sinasabihan ng tungkol sa mga pinaggagawa niya.

"Wala pa sa isip namin yan. Magtatrabaho muna kami at pag naging successful na tsaka namin iisipin yan. " sagot ko.

Di ko alam kung ganito rin ang mindset ni Kuya.

Kumain kami sa canteen bago bumalik sa klase namin.

"Mag-cr lang ako. Mauna na kayo sa room. " sambit ko.

Tumango lang ang dalawa at dumiretso na sa paglakad.

"Hey, ikaw nga. "

Nag angat ako ng tingin sa humarang sa daan ko. Malaki ang ngiti ni Homer habang nakatitig sakin. Kumunot ang noo ko. Ayoko sa presence niya.

"Anong kailangan mo? " malamig kong sabi.

Luminga ako sa paligid dahil baka nakamasid na naman si Kuya Callix. O kaya ang grupo nitong si Homer ay makita kami. Mabuti at class hour na, wala ng estudyanteng naglalakad.

"Maniningil ako ng utang. " sumeryoso ang mukha niya nang sinabi niya yon.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Mabait ba talaga 'to o ano?

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon