NAKALABAS man ako ng hospital ay nagpabalik-balik pa rin ako sa kwarto ni Kairo. Nilipat na siya ng recovery room ngunit marami pa ring aparato sa katawan niya. Tama ang doctor, malaki ang tulong ng life machine dahil ito na anng bumubuhay sa kanya ngayon.
Isang linggo na rin akong naghihintay na gumising si Kairo. Ganunpaman ay hindi ako nagpapabaya ng sarili ko lalo pa't may tao ng nabubuhay sa tiyan ko. Isang beses palang akong nagpatingin sa OB-Gyne kasama si Mama at Kuya Callix. Maayos naman daw ang kalagayan ko basta wag lang akong magpapagod at iiwasan kong ma-stress.
Suot ang aking personal protectice equipment ay pumasok ako sa loob ng kwarto ni Kairo. Nasanay na ako sa tunog ng mga makinang bumubuhay sa kanya. Hanggang ngayon ay wala pa ring improvement sa kalagayan niya. Sa kabila noon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Kailanman ay hindi ako panghihinaan ng loob para kay Kairo.
Naupo ako sa silyang nakalaan sa tabi ng kama niya. Pinakatitigan ko ang gwapo niyang mukha na kinabisado ko na mula pa noong magkabungguan kami. Hinawakan ko ang kamay niya. Inalala ko ang mga sandaling hawak ko ito bago pa mangyari ang insidenteng ito.
Hinaplos ko ito ng marahan. Nagkalyo man ang kamay niya dahil sa pagtatrabaho ay isa pa rin ito sa pumuprotekta sakin.
"Kairo... gising ka na dyan... Gusto ko na ulit makita ang bughaw mong mga mata... Ang tagal ko ng nangungulila sa'yo... Alam mo ba? Magkakaanak na tayo... magiging daddy ka na... " pumatak ang luha ko sa kamay niyang hawak ko. Pinunasan ko ito at inilapit sa pisngi ko ang palad niya.
"Mahal na mahal kita, Kairo... Lumaban ka, ha? Hihintayin ka namin ng baby natin... Pangakong hindi ako mawawala sa tabi mo kapag gumising ka na... Pakiusap, gising na... "
Pinigilan kong humagulgol ngunit hindi ko kinaya. Kaming dalawa lang ni Kairo sa loob ng silid na ito. Ang makina mga makina ay nakikisabay sa pag-iyak ko.
May kumatok sa pinto kaya napalingon ako dito. Pinahid ko ng mabilis ang pisngi ko nang mapagsino iyon. Ang pamilya ni Kairo.
Tumayo ako at sinalubong ang pagdating nila. Hindi pa nakakapasok ng tuluyan ay humagulgol na si Tita Elizabeth. Ang dalawang magkapatid na babae ay ganun din, nagyakap sila at dinamayan ang isa't isa.
Tumabi ako at nanatiling tahimik sa isang sulok. Katulad ko ay nalulungkot din sila sa sinapit ni Kairo. Ang kalagayan niya ngayon ay napakasakit tignan.
"Anak ko... " humagulgol na naman si Tita.
"Kuya Kairo... "
Walang ibang maririnig sa kwartong ito kundi ang hinagpis ng pamilyang Corman. Tumagal ito ng ilang minuto bago nila tinahan ang mga sarili nila.
Lumapit ako kay Tita Elizabeth at niyakap siya. Niyakap niya ako pabalik na para bang nakikita niya sakin si Kairo.
"Kamusta ka? Mabuti at wala gaanong nangyari sa iyo. " marahan niyang wika.
Pilit akong ngumiti at tumango.
"Tita, niligtas po ako ni Kairo. " sambit ko.Pumatak ang luha niya ngunit mabilis niya ring pinalis.
"Tama ka, kahit kanino ay gagawin niya iyon. Isang bayani ang anak ko. " naluluha niyang wika.
"Opo, tita.. napakabuti niya. Patawad po at wala akong nagawa. Hindi ko po siya natulungan. Hindi po namin inakalang mangyayari ang bagay na iyon. " paghingi ko ng tawad.
Umiling si Tita nang makailang ulit.
"Hindi mo kasalanan, hija. Wala kang kasalanan. Hindi natin ginusto ang nangyari. Mas mabuti pang wala tayo sisihin, gigising pa si Kairo anumang oras at hihintayin nating mangyari iyon. "
BINABASA MO ANG
Please, Stay (COMPLETED)
عاطفيةI want you to stay never go away from me... stay forever... "I'll protect you no matter what. " "No, please... not yet. Hold on. "