KABANATA 9

1.2K 41 0
                                    


KINAUMAGAHAN ay hinatid ako ni Kuya Callix sa school. Nakapang-karera siyang damit kaya sigurado akong pupunta siya ng race track. Kailangan kong umisip ng dahilan upang hindi niya ako masundo mamaya.

"Kuya, gagawa kami ng thesis sa bahay ni Roxanne mamayang uwian. Okay lang kahit hindi mo na ko sunduin. Magpapahatid na lang ako sa driver ni Roxanne. " pagsisinungaling ko.

Pinag-isipan niya ang sinabi ko.

"Anong oras ka uuwi? "

"Hindi ko pa alam. I'll just text you na lang. "

"Okay. Take care, Allixem. "

Tinapik niya ang ulo ko bago umalis. Nakahinga ako ng maluwag dahil pumayag siya. Ramdam ko talaga na papayag siya dahil matagal na rin simula nung nakapunta ako sa mga bahay ng classmates ko. Pero this time, hindi naman talaga ko pupunta. May usapan kami ni Homer para sa family dinner nila.

"Buong akala ko ay hindi ka papayag, AZ! Seriously? Ni hindi man lang nanligaw sayo ang gagong 'yon! "

Kulang na lang ay takpan ko ang bibig ni Mitch sa ingay nito. Baka mamaya ay may makarinig pa samin.

"Hindi ka ba makaintindi? Kunwari nga lang. Hindi totoong kami! Magpapanggap lang kami sa harap ng mga magulang niya. " mahina kong paliwanag.

Suminghap si Roxanne kaya binalingan namin. Kumunot ang noo niya sakin.

"Tapos dinamay mo pa ko kay Kuya Callix na sa bahay ka pupunta after class. What if sunduin ka niya don. " kinakabahan niyang sabi.

Namutla ako sa sinabi niya. She's right. Willing si Kuya'ng maghintay kung kailan matatapos ang thesis namin. Baka nga pumunta iyon. Nakaramdam ako ng matinding kaba.

"N-Nasa race track siya ngayon. Malamang ay magiging busy siya don. " di ko siguradong sinabi.

"Hay nako, AZ! Kung ano-anong kabalastugan ang pinapasok mo. "

"Kawawa naman si Kuya Calljx dahil nagsisinungaling ka sa kanya. "

Nagtakip ako ng dalawang palad sa aking mukha sa kahihiyan at frustration. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Basta, Roxanne.  Ikaw ng bahala na pagtakpan ako kay Kuya ah. " nababahala kong sabi.

"I'll try. Alam mo namang takot ako dun e. " nakanguso niyang turan.

"Bahala na. "

Hinintay kong matapos ang lahat ng period para sa araw na 'to. Ngayon ay hinihintay ko si Homer dahil nag text siya sakin na parating na daw siya.

"Sorry, naghintay ka ba ng matagal? " bungad niya matapos ang ilang minuto kong paghihintay.

Umiling lang ako tsaka ko kinuha ang bag ko sa gilid ko. Ngunit naunahan niya ko. Sinukbit niya ang bag ko sa balikat niya.

Nanlaki ang mata ko sa kinilos niya.

"What are you doing? Akala ko ba napag-usapan na natin 'to? Hindi mo pwede dalhin ang bag ko dahil wala namang tayo. " angil ko.

Tinitigan niya ako tsaka dahan-dahang binalik sakin ang bag ko. Mabilis ko naman itong kinuha.

"Let's go. " malamig niyang sabi at nagpatiunang maglakad.

Sumunod ako sa kanya ngunit ilang metro ang layo namin. Ayokong magkaroon ng issue about sa lalaking 'to.

Palihim akong nagdarasal na sana ay tama itong pinasok ko. Makikilala ako ng magulang ni Homer bilang girlfriend nito. Napakalaking kasalanan pag nagkataon.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon