KABANATA 17

1.2K 38 1
                                    

THAT was the most embarrassing moment I've ever done in my entire life!

Bakit nadulas ako sa pagkasabi non? Bakit bigla na lang ito lumabas sa bibig ko?

"And what is his reaction? Anong sinabi niya sayo after that? " Rox asked.

Nasa library kaming tatlo at hinihintay ang iba pang kagrupo para sa tatapusing thesis. Panay ang tanong sa akin ng dalawa matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari kagabi.

"He said nothing. " buntong hininga ko. "Mukhang nagpatay malisya siya. "

Napa-face palm ako sa sobrang frustration. Ano bang katangahang nagawa ko?

"Baka nga hindi niya narinig. Haler! Sa sobrang lakas ng hangin don malamang hindi niya nga narinig. " sambit ni Mitch.

Pinilig ko ang ulo ko para tigilan na ang pag-iisip. Wala na! Nangyari na! Nasabi ko na sa kanya. Pinagdarasal ko lang na sana ay hindi niya nga narinig ang sinabi ko.

"Wag mo kasing binibigla, AZ. " wika ni Rox. "What if, he doesn't like you back? "

"Edi magmove-on! Easy peasy! " I confidently said.

Nagpatuloy kami sa paghahanap ng reference at kung minsan ay inaasar nila ako kay Kairo. Hinayaan ko na dahil magsasawa din sila.

Natapos ang aming thesis nang hindi inaasahan. Inabala ko talaga ang aking sarili para hindi na maisip ang sinabi ko kay Kairo. I need destruction.

Kung maaari lang na takasan ang aking service ay matagal ko ng ginawa. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Hiyang-hiya ako sa sinabi ko sa kanya. Sana ay hindi niya na maalala pa.

Naghintay pa ako ng ilang minuto para sa pagdating ng sasakyan niya. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang masilayan ang mukha niya.

"Hop in. " sambit niya nang tumigil siya sa harap ko.

Walang salitang pumasok ako sa loob. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa presence niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat talaga ay hindi ko na nasabi ang bagay na yon.

Dapat ay naging kuntento na ako sa samahan naming dalawa. Nagkaroon tuloy ng awkwardness sa pagitan namin. O baka naman ako lang ang hindi mapakali saming dalawa.

Kung titignan mo kasi siya ay parang wala lang sa kanya na nandito ako sa tabi niya.

"Want to say something? " tanong niya. Napansin niya sigurong kanina pa ako hindi mapakali.

Naghanap ako ng salitang sasabihin sa kanya. Wala akong masabi. Naba-blangko ako tuwing kaharap siya.

Ngunit may gusto talaga akong sabihin sa kanya. Mukhang ito na ang pagkakataon para sabihin iyon. Pero iniisip ko kung tama bang magtapat ng ganito kaaga.

Kinomposisyon ko ang sarili ko kinakabahang humarap sa kanya. Saglit siyang bumaling sakin pagkuwan ay binalik agad ang tingin sa kalsada.

"Do you believe in love at first sight? " diretso kong tanong.

Kumunot ang noo niya. Hindi siya bumaling sa akin ngunit nakikita ko kung paanong nagulat ang mukha niya sa tanong ko.

"I don't think so. " tipid niyang sagot. "Ako kasi na-inlove after third sight. " dagdag pa niya.

Bahagya akong nakaramdam ng selos matapos kong marinig ang na-inlove sa kanya. It means minahal niya talaga si Stephanie, yung ex niya. Napahawak ako sa dibdib ko nang bahagya itong kumirot.

Ang unang pagkaselos ko mula sa taong mahal ko. Ang unang kirot at sakit ng puso ko.

"Mahal mo pa rin siya, 'no? " wala sa sarili kong tanong.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon