KABANATA 2

2.3K 65 0
                                    

EXCITED akong nag-ayos ngayong umaga. Hindi ko alam kung bakit pero sabik akong pumasok ngayon. Siguro ay dahil bago na ang sasakyan ko pagpasok sa school.

Abot tenga ang ngiti ko nang bumaba ako sa kusina. Si Mama at kuya lang ang naabutan ko, si papa marahil ay nasa kwarto pa niya.

"Good morning, Allix. Ang aga mo atang nagising ngayon? " bati ni mama. Inaayos niya ang dining table.

"Good morning po, mama and Kuya Callix. " masayang sabi ko at naupo sa upuan ko.

"6:30 am dumarating ang service mo. May 30 minutes ka pa para mag-ayos. " wika ni kuya.

"Tignan mo kaya ako kuya. "

Nakatalikod kasi siya sakin at hindi niya alam na nakaayos na ako. Complete na lahat, kakain na lang ako.

"Excited ka ba dahil gwapo ang service mo? " walang emosyon niyang tanong.

Napalunok ako. Kunwari ko na lang na iniinom ang hot choco na tinimpla sakin ni mama. Masama ang tingin ni kuya sakin kaya nag-iwas ako.

"Huwag kang mahuhulog don kung ayaw mong tanggalan kita ng service. "

"A-ano bang sinasabi mo, kuya? " utal kong tanong.

Paranoid na naman siya. Kailan niya ba ko nakitang may lalaking nagugustuhan? Ibang klase ang ideal man ko noh!

"Kinuha ko na ang number at address niya. Nakita ko na rin ang personal information niya. Wala siyang kawala kung sakaling itakas niya kayo o ikaw. Wala akong tiwala sa mga kano. "

Nabibilib akong tumingin sa kanya. Paanong wala siyang tiwala don? Kakakita niya palang kahapon kay Hekairo e!

"Ang strict mo masyado, kuya. " nakangusong bulong ko.

"Kung strict ako hindi dapat kita kinuha ng service. Watch your mouth, Allixem. "

Napabuga ako ng hangin. Kung alam ko lang ay kaya niya ako kinuha ng service ay dahil naiistorbo siya sakin tuwing umaga. Tch! Binuo niya pa ang pangalan ko na parang si papa kapag nagsesermon.

"Callix, tawagin mo na ang papa mo. Kakain na tayo para makapasok na si Allix. Baka mamaya ay nandyan na ang service niya. " utos ni mama.

Walang salitang mabilis na sinunod ni kuya si mama.

Napabuntong hininga ako. Si Kuya Callix... hindi ko man nakalaro nung bata pa dahil sa sobrang moody. Pinagtataka ko lang ay kung bakit siya ganyan.

Matapos kumain ay naghintay ako sa sala sa pagdating ng service ko. Unang araw na iba ang kotseng sasakyan ko. Ano kayang feeling? Biruin mo, ngayon lang nila naisipang ikuha ako ng service kung kailan limang buwan na lang ay graduate na ko. Tch.

*Beep! Beep!

Agad akong napatayo nang marinig ang malakas na busina mula sa labas ng bahay namin. Biglang lumabas si mama sa kusina at si kuya naman ay sa kwarto niya. Pareho silang naglakad palapit sakin. As usual, frown face si kuya at si mama naman ay nasasabik.

Hinatid nila ako patungo sa labas ng gate. Isang mahabang van pala ang minamaneho ni Hekairo. Malamang ay hindi lang ako ang sasakay dyan.

Lumabas mula sa driver's seat si Hekairo at nakangiting lumapit samin.

"Magandang umaga mga binibini at ginoo. Ako na pong bahala sa paghatid sundo sa kanya. " bati niya kina mama.

"Mama, Kuya, alis na ko. Bye. " humalik ako sa pisngi nila pareho.

"Huwag mo siyang iuwi ng late dito. Wag mo siyang papayagang gumala kasama ang mga kaibigan niya. Bawal din ang magpalamig sa mall. Diretso. Sa. Bahay. " seryosong sabi ni kuya.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon