Allixem's POV
HINDI pa tumutunog ang alarm clock ko ay nagising na agad ako. Hindi ako pinatulog ng napaginipan ko noong nakaraang gabi. Natatakot na tuloy akong matulog.
5:05 palang ng umaga.
Bumangon ako sa kama at nagbanyo. Nang matapos akong gumamit ng banyo ay lumabas ako ng kwarto ko. Mula rito sa second floor ay naaamoy ko ang mabangong niluluto mula sa baba.
Suot ang aking step in ay nagtungo ako sa kusina. Nakita ko agad si Mama na nagluluto para sa agahan. Lumingon siya nang maramdaman ang presensya ko.
"Good morning. " bati ko.
"Good morning. Hindi ba 7 pa ang pasok mo? Bakit nagising ka ng maaga? Baka mamaya ay makatulog ka na naman sa room niyo. " sunod-sunod niyang tanong.
"Hindi na ko makatulog. Tutulungan na lang kitang magluto. " presinta ko.
"Hindi na anak, matatapos na ko. Ihanda mo na lang ang mga gagamitin mo mamaya. "
"Kagabi pa po ako naghanda. "
"Kung ganon ay tapusin mo ang assignments mo. Nakatulog ka ata ng maaga kagabi kaya maaga ka ring nagising ngayon. "
"Wala naman po kaming assignments. " nakanguso kong sabi.
Nagbuntong hininga siya habang inaayos ang mga pagkain. Kapag ginagawa niya yan ay wala na siyang masabi. Suko na siya sa mga sagot ko.
"Sige, ma. Magjo-jogging na lang ako. Babalik ako bago mag-6. " wika ko at nagpaalam sa kanya.
Tumakbo ako patungong kwarto at nagpalit ng pang jogging. Pagkatapos ay agad din akong lumabas.
Suot ang headphone ay pinatugtog ko ang mga kanta ng paborito kong Kpop Group. Bangtan Seonyeondan. Kada makikinig ako sa kanta nila ay napapawi nila ang kadramahan ko sa buhay. Kahit hindi ko ito maintindihan ay gusto ko pa rin itong pakinggan. Bahala na.
Nagpahinga ako saglit sa bench ng pinaghintuan kong parke. Tanging mga nag-eehersisyo lang din ang nakikita ko rito. Marami na sila ngayon dahil papaaga na.
Tinignan ko ang oras saking wrist watch. 30 minutes pa bago mag-6 ng umaga. Makakailang ikot pa ko sa parke.
Tumayo ako at sinimulan muling tumakbo. Ngunit hindi pa ko nakaka-tatlong hakbang nang biglang mabangga ako sa isang matipunong katawan.
Kaagad akong nawalan ng balanse mabuti na lang ay nasalo niya ako. Halos lagutan ako ng hininga nang muntikan nang tumama ang likod ko sa lupa. Kung hindi pa nakuha agad ng lalaki ang kamay ko ay tiyak na baldado na ko ngayon.
Wait. Ang OA naman ata ng baldado.
"Ayos ka lang? " tanong niya nang makaayos ako ng tayo.
Kulay asul ang mga mata niya!
Inaninag ko ang mukha niya at biglang bumilis ang tibok ng puso dahil nasa harap ko ngayon ang isang napakagwapong binata na sa tingin ko ay banyaga. Marunong siyang mag-tagalog! Shett!
Shucks! Ngayon palang ako nakakita ng gwapo sa ganitong kalapit na posisyon. Oxygen please! Feeling ko ay matutunaw ako!
"Binibini? Ayos ka lang? " tanong niya ulit nang hindi ako sumagot.
Nataranta ako pero agad ding nakabawi. Walang tigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko dahil sa lapit niya. Umatras ako ng kaunti para makahinga ng maluwag. Diretso pa rin niyang tinititigan ang mga mata ko.
Bakit hindi ko man lang magawang titigan ang mga mata niya ng diretso? Para akong natutunaw.
BINABASA MO ANG
Please, Stay (COMPLETED)
RomanceI want you to stay never go away from me... stay forever... "I'll protect you no matter what. " "No, please... not yet. Hold on. "