KABANATA 8

1.2K 42 0
                                    





BUONG gabi akong hindi pinatulog ng sinabi ni Kairo. Siya na raw ang magbabantay sakin? Hindi niya nilinaw sakin yon dahil di ko naman ugaling magtanong. Bumibilis lang ang tibok ng puso ko pag may mga bagay siyang sinasabi na may ibig sabihin.

Ganunpaman ay nag-ayos na ako para sa school. Bumaba ako dala ang bag ko at tinungo ang dining table. Nagulat ako nang wala si Mama na siyang dapat nagluluto.

"Good morning, Kuya Callix. " wika ko.

Pinanood ko siyang ipatong ang mga niluto niya sa lamesa. Madilim ang mukha niya at panay ang pag-igting ng kanyang panga.

Bigla akong kinabahan.

"Where have you been yesterday, Allixem? " mariin niyang tanong.

Naupo siya sa katapat kong upuan at seryosong nakatingin sakin. Halata na naman ang galit sa itsura niya.

"Hindi mo kasama sina Roxanne. "

Hindi iyon tanong. Sigurado siya sa sinabi niya.

Naiipit ang hininga ko habang nakatingin sa kanya. Hindi talaga ako marunong magsinungaling.

"Si Kairo ang kasama ko. " matapang kong sabi. 

Lalong umigting ang panga niya sa sagot ko. Napasuklay siya sa kanyang buhok.

"Nagsisinungaling ka sa pamilya mo para sa lalaking 'yon? What's the real score between you two? "

Namangha ako sa kinilos ni Kuya. Inaasikaso niya pa rin ako sa kabila ng galit niya. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Nilapag niya rin sa harap ko ang tea na paborito ko.

Naantig ang puso ko. Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya ng todo. Alam kong kapakanan ko lang ang inaalala niya. Ako lang ang iniisip niya. Nangilid ang luha ko pero mabilis ko itong pinigil.

Ngayon pa lang ay nangungulila na ko sa pag alis niya.

"Sorry, Kuya. Nagkita lang kami sa mall. Inaya niya kong kumain sa labas. Wala kaming ginawang masama. Just a friendly date. " paliwanag ko.

"So, a date huh? " umangat ang sulok ng labi niya.

"Hindi pala date. Kumain lang talaga kami pagkatapos ay umuwi din kami agad. " pagtanggol ko sa sarili ko.

"I believed in you. Ayoko pang mag-boyfriend ka. Not until you're 25. Gusto ko kami lang ni Papa ang lalaki sa buhay mo sa ngayon. Understand? " seryoso niyang sabi.

"Promise, 'di ako magbo-boyfriend. Kahit pa ata tumuntong na ko sa 25 ay baka wala pa rin sa isip ko yan. "

Ngumiti siya. Inabot niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Natawa ako sa ginawa niya.

"Good girl. " nakangiti niya ng sabi.

"Asan pala sina Mama't Papa? " tanong ko.

Wala silang sinabi sakin na aalis sila ngayong araw na 'to.

"Dumalaw sila kina Lolo. Maaga silang umalis para mahaba ang oras nila na magkakasama. "

Napatango ako. "Let's pray, Kuya? "

Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko bago ako bumaba ng kotse ni Kuya. Diretso akong naglakad papuntang room. Nginingitian at binabati ako ng ilang kakilala.

"Kamusta ang date? " may halong tukso ni Mitch na tanong.

"Pwede ba, kumain lang kami. " umirap ako at naupo sa upuan ko.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon